Sari-saring sana sa SONA


NGAYONG araw ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte kung saan iuulat niya ang nagawa ng kanyang administrasyon sa buong taon ng panunungkulan at ang mga plano niya sa susunod na taon.

Pero bago ito, muli na-ting balikan ang unang SONA ni Duterte at isa-isahin ang mga naipangako niya noong nakaraang taon.

Krimen

Numero uno sa listahan ni Duterte ang gera kontra kriminalidad at ilegal na droga.

Pangako ni Duterte na hindi siya titigil sa kampanya laban sa droga hanggang hindi nahuhuli ang pinakahuling drug lord, pinakahuling financier at sumuko ang pinakahuling pusher o mapakulong ito o mailibing.

Nangako rin si Duterte ng suporta sa mga pulis sa kanyang kampanya kontra droga.

“To our police officers and other officials, do your job and you will have the unwavering support of the Office of the President. I will be with you all the way,” sabi niya.

Nangako rin siya na lilikha ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs.

Magiging prayoridad din ng kanyang pamahalaan ang pagtatayo ng mga rehabilitation centers para sa mga drug addict.

Isusulong din umano ang pagpasa sa Whistleblower Protection Law at pagpapalakas ng Witness Protection Program.

Korupsyon

Ibinida rin niya na magiging malinis ang gobyerno sa ilalim ng kanyang pamamahala.

“I act through Secretary and everything. I cannot guarantee their honesty and competence at times.

Cabinet members, yes. Pero sa baba, procurement, iyong mag-bidding diyan… but as far I can relate… really malinis talaga ito,” sabi niya.

Lilikha rin siya ng hotline 8888 na tatanggap ng tawag kaugnay ng mga umano’y katiwalian sa kanyang administrasyon.

“Pag may marinig ako sa Executive Department, even a whisper, hiwa-hiwalay na tayo,” sabi niya.
Terorismo, rebelyon

Bukod sa droga, kriminalidad at korupsyon, na-ngako rin si Duterte na dudurugin ang Abu Sayyaf.

“We will strengthen our counter-terrorism programs by amending various laws on human terrorism, terrorism financing and cybercrime,” aniya.

Ipinangako rin niya na magiging prayoridad din ang isyu sa global war-ming.

Binanggit pa ni Duterte na irerespeto ang naging desisyon sa Permanent Court of Arbitration para maisulong ang mapayapang resolusyon sa West Philippine Sea.

Isusulong din umano niya ang usapang pangkapayapaan sa Bangsamoro at CPP/NPA/NDF.

Upang ipakita ang sinseridad, agad siyang nagdeklara ng unilateral ceasefire sa NPA.

“We will strive to have a permanent and lasting peace before my term ends. That is my goal. That is my dream and even do better,” sabi ni Duterte.

Buwis

Pangako ng Pangulo sa mahihirap: karagdagang rice subsidy para sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

At sa isyu ng buwis, nangako si Duterte ng mas mababang personal at corporate income tax rate, at tatanggalin ang Bank Secrecy Law.

“There must be sufficient income for all Fi-lipinos to meet the basic food and non-food needs of their families,” ayon sa kanya.

Ibinida rin niya ang reporma sa pagnenegosyo.

“Relaxing restrictions on the economy will be needed to make more investments to come and to develop labor-incentive industries such as manufacturing, agriculture and tourism shall be pursued,” sabi ng Pangulo.

Turismo, agrikultura

Isusulong din umano ni Duterte ang implementasyon ng Reproductive Health law.

Nangako pa si Duterte na magpapatayo ng mga access roads at tourism gateways para maisulong ang turismo sa bansa.

Sa agrikultura, magpapatupad din diya ng mahigpit ang mga batas kontra ilegal na pangingisda.

Tiniyak din ni Duterte ang paggastos para sa pagpapatupad ng mga imprastraktura, partikular ang pagsasaayos ng mga pambansang kalsada at tulay.

Isa rin sa mga ipina-ngako ni Duterte ang solusyon sa problema sa malakawang pagbaha sa Metro Manila.

Sa isyu ng mining, i-pinag-utos ni Duterte sa noon ay dating Environment secretary Gina Lopez na repasuhin ang ibinigay na mining permit sa mga kompanya.

Trapiko

Nanawagan din siya sa Kongreso na pagkalooban siya ng emergency power para masolusyunan ang krisis sa trapik sa Metro Manila.

“Our anti-colorum campaign and out-of-line apprehension, including the removal of terminals will be intensified. And my God, it will be done immediately, immediately,” aniya.

Bukod dito, sinabi ni Duterte na gaganda ang serbisyo ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

“Passenger capacity congestion shall be addressed by increasing the number of running trains from the current 16 trains with a total of 48 cars per hour, to 20 trains with a total of 60 cars per hour, increase train speed from 40 (kph) to 60 (kph),” ayon sa kanya.

Pahahabain din niya ang oras ng operasyon ng LRT hanggang 10:30 ng gabi mula sa dating 9:30.

Pagpaplanuhan din niya ang mas maraming rail projects sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Sinabi pa ni Duterte na plano rin niyang i-deco-ngest ang NAIA, kasama na ang posibleng paglilipat nito sa ibang lugar.

Federalismo

Isusulong din daw niya ang Federalismo sa bansa.

“You know, my advice to you is, maintain a federal system, a parliament, but be sure to have a President. Huwag, hindi na ako niyan, I’m disqualified and by that time I would no longer be here,” giit niya.

Red tape

Nangako rin si Duterte na iiksi na ang oras sa pagpoproseso ng mga permit at lisensiya.

“In my city, it is always three days for local government. That will bind the Office of the President down to the last barangay,” sabi niya.

Ipag-uutos din niya na gawing limang taon ang validity ng driver’s license, mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Pabibilisin din ang pagdinig sa mga kaso na nakabinbin sa mga korte.

FOI

Ipinagmalaki rin ni Duterte na napirmahan na niya ang executive order kaugnay ng Freedom of Information (FOI).

“Alam ninyo, sabi ko uunahan ko ang Congress puro mayayabang ang ano diyan. Grabe… stealing one’s thunder. Unahan natin,” dagdag ng Pangulo.

Karapatan

Tiniyak din ni Duterte na hindi kukunsintihin ng kanyang administrasyon ang karahasan laban sa media.

Nangako rin siya na poprotektahan ang kara-patan ng mga babae, kasabay ng pagsasabing hindi katanggap-tanggap para sa kanya ang pag-aabuso sa mga ito.

Magkakaroon ng wifi access sa pampublikong lugar, kasama na ang plaza at parke, public library, paa-ralan, ospital, istasyon ng tren, airport at seaport.

OFW

Ipinag-utos din ni Duterte ang pagpasa ng batas na magtatayo ng departamento para sa mga OFWs.

Paiigtingin din aniya ang kampanya kontra human trafficking at mga illegal recruiter na bumibiktima sa mga migrante.

Bukod pa rito, nangako si Duterte na mula sa limang taon, magiging 10 taon na ang validity ng passport.

Read more...