Mga Laro Ngayon
(Taipei Peace Basketball Hall)
11 a.m. Lithuania vs Iraq
1 p.m. Canada vs Chinese Taipei B
3 p.m. India vs Japan
5 p.m. Philippines vs Iran
7p.m. Chinese Taipei A vs South Korea
INUWI ng Gilas Pilipinas ang ikalima nitong panalo matapos biguin ang India, 101-70, bagaman malabo na itong makamit muli ang ipinagtatanggol nitong korona tungo sa huling araw ngayon ng mga laro ng 39th William Jones Cup sa Taipei Basketball Peace Hall sa Taipei, Taiwan.
Nilimitahan ng national squad sa pitong puntos lamang sa ikalawang yugto ang mga Indiano habang ipinamalas nito ang matinding opensa sa una at ikalawang yugto sa parehas na 27 puntos upang itala ang malaking abante na 23 puntos, 54-31.
Hindi nakapagtala ng shotblock ang Pilipinas subalit naghulog ito ng 18 of 36 tira para sa 50%
2-points field goal shooting, 14 of 20 free throws para sa 70% free throw shooting at may 17 of 36 sa 3-points habang dagdag pa ang 37 rebounds, 23 assists at 11 steals para agad makabawi sa nalasap nitong kabiguan kontra Lithuania, 80-91.
Gayunman, tanging hanggang ikatlong puwesto na lamang ang makakayang abutin ng koponan sakaling magwagi ito sa kapwa limang beses din tinanghal na kampeon sa torneo na Iran sa pinakahuli na ikasiyam na sunod nitong laban sa taunang torneo.
Ito ay dahil sa nagawa ng Canada na maabot ang 7-1 panalo-talong kartada sa pagwawagi nito sa Japan, 108-60, habang may bitbit lamang ang Pilipinas na 5-3 panalo-talong kartada. Aabot lamang sa hanggang anim na panalo ang Pilipinas sakaling magwagi sa karibal na Iran.
Muling pinamunuan ni Matthew Wright ang mga Nationals sa kinolektang 19 puntos tampok ang perpektong 5-of-5 sa 3-point shooting at dagdag na isang assist at isang steal habang nag-ambag ng tig-14 puntos si Von Rolfe Pessumal na 4 of 10 mula sa tres habang si Almond Vosotros ay 4 of 7 shooting naman mula sa 3-point range.