Maga-abroad uli (2) | Bandera

Maga-abroad uli (2)

Joseph Greenfield - June 11, 2013 - 01:23 PM

Sulat mula kay Lanie ng Barangay Binuangan,
Oroquieta City
Problema:
1. Dati po akong OFW sa Middle East at halos limang taon ako roon. Nakaipon din ng konti, pero ayaw ko nang bumalik doon dahil niyayaya ako ng pinsan ko na magtrabaho sa Canada. Ang sabi niya sa akin mag-aplay daw ako sa Canada at tutulungan daw niya akong makapunta roon.
2. Pero kailangan daw munang mag-Middle East muli ako at kapag naroon na ako, mas madali na raw akong makararating ng Canada dahil hindi naman ako Arabo. Kaya ang itatanong ko po sa inyo Sir Greenfield kung matutulungan nga ako ng pinsan ko? Matagal ko nang pangarap ang makarating ng Canada at doon na manirahan habambuhay.
Umaasa,
Lanie ng Barangay Binuangan, Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi matatapos ang buwang ito, mao-obliga kang mag-ayos ng papeles papuntang Middle East, dahil sa pangungulit sa iyo ng pinsan mo. Kung saan, sa buwan ng Hulyo, siguradong makakapunta ka na at ito ring pag-abroad na ito ang magiging simula
upang makapag-Canada ka.
Numerology:
Ang birth date mong 5 ay nagsasabing sa taong ito ng 2013 na may sumatotal na five (5) din, tiyak ang magaganap, may isang produktibo at mabungang pangingibang bansang itatala sa yong karanasan.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling palarin at mas mabilis na mapitas ang magandang kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na asul, puti, gray at silver. Sa nasabing mga kulay, kung lagi mong isusuot at gagamitin, unti-unti ng aaliwalas at gagaganda ang
iyong kapalaran.
Graphology:
Maganda at maayos ang pagkakasulat ng iyong lagda, kung saan, tuluy-tuloy at mabilis mo itong natapos sa pamamagitan ng katamtaman at kaayusang mga letra. Ibig sabihin dahil may “good looking signature ka” tunay ngang ngayon palang nasasagap na ng unconscious mong isipan ang positibong mangyayari sa
iyong kapalaran sa susunod na mga taon at araw.
Huling payo at paalala:
Lanie ayon sa iyong kapalaran, sumunod ka lang ng sumunod sa ipinapagawa sa iyo ng pinsan mong nasa Canada. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap, mula sa Hong Kong makalilipad ka patungong Canada, at sa Canada, tulad ng iyong iniisip at pinapangarap, magiging immigrant ka roon hanggang sa maging citizen na, at sa bandang huli habambuhay ka na roong maninirahan at magiging maligaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending