NU’NG isang gabi ay very special guest namin sa “Showbuzz” ni Papa Ahwel Paz sa DZMM ang kaibigan nating Lord Of Scents na si Joel Cruz of Aficionado along with singers — Charity Diva Token Lizares and Singing Soldier Mel Sorillano.
This is to promote their forthcoming concert “Awit Para Sa Marawi” to be held at the AFP Theater sa Camp Aguinaldo on Aug. 15, at 5 p.m. It is a two-hour and 30 minutes charity event, proceeds of which ay ibibigay sa mga sundalo nating nakipagsagupaan sa Marawi.
“Actually, nanood kasi ako ng concert ng mga Singing Soldiers natin led by Mel Sorillano sa Bistro RJ last week and I realized na sobrang kailangan talaga ng financial help ng ating mga soldiers. Hanggang ngayon ay nakikipagsagupaan pa sila roon sa kagustuhan nilang matulungan tayong maisaayos ang peace and order situation ng bansa.
“Napakasuwerte natin dahil nandito tayo sa isang malaking siyudad na maayos ang mga buhay, na hindi tayo namumroblema kung tatamaan ba tayo ng bala o hindi. Kaya sabi ko, we should do something to help them. Pero paano? After watching the show, naisip kong gawan sila ng isang charity concert sa mas malaking venue para makalikom ng funds.
“Nakakatuwa dahil after naming ma-finalize ang venue and artists, I started texting my rich friends na tumulong sa sponsorship and tickets. Kasi nga ang price ng tickets range from P1,000 to P5,000 and maniwala ka bang sa loob ng two days nakakuha na ako ng more than P2 million in pledges?
“Hindi pa rin ako tumigil sa kati-text at katatawag sa iba pang friends natin and as of now ay meron na kaming nalikom na P4.2 million at diretso naming ibibigay ang pera sa mga pamilya ng mga sundalo.
“Lahat ng tickets na bibilhin ninyo ay may resibo, all accounted for para legal lahat. Marami kasing nagti-take advantage sa ganitong pagkakataon kaya ako, I personally take charge of this,” ani kaibigang si Joel Cruz na ever since ay isang pilantropo sa maraming pagkakataon.
Maliban kina Mel Sorillano and Token Lizares, guests performers din sina Hugot King Kiel Alo, Torch Queen Malu Barry, ang magaling na si Jonathan Badon, ang iba pang Singing Soldiers to be accompanied by the Special Forces Band from Nueva Ecija.
Napakasarap magkaroon ng mga kaibigan who has true hearts na tumulong.
“Nakakakain tayo ng masarap. Nakakatulog tayo nang mahimbing samantalang ang mga sundalo natin na sumusugod sa isang engkuwentro ay nagbubuwis ng buhay nila para sa ating lahat. Hindi dahilan ang pagiging busy ng bawat isa sa atin para di makialam – para di tumulong, di ba? Yung maliit na maiaambag mo ay malaking tulong na iyon. Let’s help one another,” ang paglalambing pa ni Joel Cruz.
q q q
Maraming namba-bash kay Jenine Desiderio dahil sa pinagalitan ang anak niyang si Janella Salvador sa social media.
Bakit daw kailangan pang sa social media niya idinaan ang galit sa anak — bakit hindi na lang daw niya kinausap nang personal. Hindi na raw kasi kinakaya ni Jenine ang katigasan ng ulo ng anak ni Janella — hindi na raw nagpapaalam yata pag umaalis.
May point din naman ang ibang bashers, normally ay personal nga dapat silang mag-usap. But on hindsight, I fully understand din Jenine here. Kasi ako, Miss Facebook ako, eh. Sumbungan ko ang FB ko ng mga hinaing ko sa mundo. Mali na kung mali sa mata ng ibang tao but I find comfort kapag nakakapagsumbong ako sa FB.
I’m sure Jenine feels the same way too. Other people kasi don’t understand the feelings of other social media users. Kani-kanyang trip lang kumbaga. After all, anak naman niya ang pinapagalitan niya — hindi naman kayo.
Tama naman ang point niya na ang anak ay dapat sumunod sa magulang. Mahirap yata ang maging single mom especially to a popular celebrity-daughter na kung saan-saan nagpupunta. She is just protecting her daughter. Kung sa tingin ninyo ay mali ang pamamaraang ito ni Jenine sa pagdisiplina sa kanyang anak, wala tayong pakialam. Let’s just mind our own business, OK?