Payo ni Sarah kay Christian: Sumabay ka lang sa agos!

NAGBABALIK ang aktor na si John Lloyd Cruz sa romantic-comedy movie genre via Star Cinema’s latest offering titled “Finally Found Someone” kung saan muli niyang makakapareha si Sarah Geronimo.

Huling napanood ang blockbuster tandem sa last installment ng love story nina Miggy Montenegro (Lloydie) at Laida Magtalas (Sarah) sa pelikulang “It Takes A Man And A Woman” noong 2013.

Natawa si John Lloyd when someone asked him kung paano siya napapayag na magtambal muli sila ni Sarah.

Pahayag ni Lloydie sa presscon ng “Finally Found Someone,” “Hindi naman kami pinilit. Para namang pinilit kami. Ha-hahaha! This is a big celebration. I love working with Sarah. We have a chemistry together. I love the process kahit na medyo mahirap magtrabaho.

“Bukod doon sa masayang journey namin ni Sarah, alam naming marami kaming napapasaya,” lahad ni John Lloyd.

Kasama rin sa movie sina Joey Marquez, Yayo Aguila, Tetchie Agbayani, Dennis Padilla, Christian Bables at marami pang iba, with the special participation of Enchong Dee.

q q q

Thankful si Christian Bables sa lahat ng magagandang opportunities na dumarating sa kanya after portraying Barbs sa pelikulang “Die Beautiful” na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros. But at the same time, ayaw daw niyang malunod sa lahat ng atensyong nakukuha niya ngayon.

Tatlong pelikula ang ginagawa ni Christian ngayon bukod pa sa malapit nang ipalabas na movie nina John Lloyd at Sarah na “Finally Found Someone”.

At dahil sa success ng performance ni Christian sa “Die Beautiful,” tiyak na mas tatatak pa ang karakter niyang si Barbs once maipalabas na ang sequel ng movie na pinamagatang “Born Beautiful.”

This time, solo lead na si Christian sa kauna-unahang comedy-drama series ng Idea First para sa Cignal Entertainment.

Cignal Entertainement is a full entertainment brand of original content catering to Filipinos’ evolving and upgrading tastes.

“With almost 1.8 million Cignal subsribers, and with 65.9 million broadband and mobile subscribers available in the SMART/PLDT group, we have taken on the challenge of brigning fresh, relevant and intelligent content to the screen of Filipinos,” ayon sa Cignal TV president Jane Basas.

Para sa kanilang premier production, mapapanood ang kanilang first miniseries na “Tukhang” directed by Lawrence Fajardo starring James Blanco and Karel Marquez.

Naka-line-up din sa Cignal Entertainment ang “Tabi Po”, “Advocasine” 1 & 2 at ang sequel nga ng “Die Beautiful” na “Born Beautiful”.

“Makikita n’yo po sa ‘Born Beautiful’ si Barbs version 2.0. Isa sa magiging trabaho niya ang pagiging make-up artist sa punenarya. And then, basically, ang story niya ay tungkol sa paghanap ni Barbs sa kanyang sarili ulit. Kasi si Trisha (Paolo) lang ang naging pamilya niya, e,” kuwento ng aktor.

Hindi pa rin daw sanay si Christian sa atensyon na natatanggap niya ngayon, “With all the attentions I am getting now, I’m not realy used to that kind of thing. Pero ngayon po, naipag-pray ko na, nai-lift-up ko na kay God, at sabi rin ni Ate Sarah (Geronimo), ang advise niya sa akin, ‘Sabay lang sa agos,’ ganoon po.”

q q q

Sikat sa international business world ang Pinay na si Hershey Hilado. She is an Australian based serial entrepreneur at kabilang sa Top 80 Women2Watch in 2017.

She founded an eCommerce fashion called www.ohmagosh.com when she was 19 years of age and is now sold to over 16 countries worldwide with a huge cult following in social media. Na-nominate ang Ohmagosh as one of the Top 50 Most Innovative and Exciting eCommerce Stores sa Australia last year.
Tampok ang kwento ng buhay ni Hershey sa episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi na magkasalong gagampanan nina Iyanna Angeles at Ria Atayde.

Looking back, matindi ang mga pinagdaanang hirap sa buhay ni Hershey. She was physically and emotionally abused ng kanyang ina.

At 14, napilitang maging shoplifter si Hershey para buhayin ang kapatid. Two years after she was forced to marry a foreigner almost thrice her age. Pero tinakasan niya at nagpunta sa Maynila. Hanggang sa makilala niya ang Australyanong si Scott through on-line dating. Dinala siya ni Scott sa Australia at doon pinakasalan.

Kasama rin sa MMK episode na ito sina Yesha Camille, Ryle Santiago, Maritez Samson, Aleck Bovick, Celine Lim, Denise Joaquin, Rhed Bustamante, Simon Ibarra, Jordan Hong at Ernie Garcia sa direksyon ni Dado Lumibao.

Read more...