Baguhang aktres lumabas ang tunay na kulay

Hmmmm, gaano naman katotoo ang tsikang hindi pa man daw naglalabas ng final gross ang isang movie na sinahugan ng napakaraming batang artista ay meron ng ilang member ng cast na kung makapag-emote sa social media ay umaalingasaw daw ang kayabangan?

Yes, maangas daw ang tono ng youngstar na nagsabing dahil daw sa mga fans nila ng kanyang katandem sa movie kaya’t pinipilahan ang kanilang movie.

Nagre-rely daw kasi ang nagyayabang na youngstar sa mga feedback o reactions ng mga fans nilang nakapanood na by showing them movie tickets or pila sa mga sinehan?

Hmmmm, hindi pa man sila nailo-launch as tandem, eh may ganyang attitude na ang bagets? Feeling lang? Halerrrrr?

Read more...