SPEAKING of “ibang-iba”, ‘yan ang consistent na ipinapakita ni Kathryn Bernardo sa seryeng La Luna Sangre. Mas lalo kaming humanga sa kanya nang pumayag siyang magmukhang lalaki sa kuwento.
Ibang klase ang mga eksena niya ngayon dahil talagang challenging ang mga ipinagagawa sa kanya ng kanilang direktor. Marunong na siyang umarte na mata lang ang pinapagana, lalo na doon sa mga eksenang kailangang iparamdam niya sa manonood ang kanyang galit, pagod, gutom at pangamba ng walang dialogue.
Ang husay-husay ni Kathryn. Nag-level-up na talaga ang acting niya kumpara sa mga “parang pilit” niyang pagdadrama sa mga romcom projects nila ni Daniel Padilla before.
Sana’y magpatuloy ang ganu’ng atake ni Kathryn sa kayang karakter sa LLS, dahil sa totoo lang, kering-keri niyang sabayan ang “natural kind of acting” ni Daniel.
La Luna Sangre na nga ang magtatakda ng kanilang pagiging tunay na aktor sa tunay na meaning nito. Isang katangian na siguradong ikalalamang nila sa iba pang panlabang loveteam ng ABS-CBN.