P139M jackpot ng Grand Lotto sa Sabado

Inaasahang aabot sa P139 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito sa Sabado.
Ayon kay Atty. Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa P134.1 milyong jackpot prize sa bola noong Miyerkules ng gabi.
Walang tumaya sa winning number combination na 02-11-04-43-55-33. Umabot sa P24.4 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng P200,000 ang isang mananaya na nakalimang numero.
Tig-P1,790 naman ang tinamaan ng 543 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 13,982 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...