‘Live-in scandal’ walang epek sa career ni Nadine

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

PROOF na wala palang epekto sa career ni Nadine Lustre ang tinuran niyang “liberated statement” on live-in set-up among the youth ay ang patuloy pa rin niyang pagko-co-host sa It’s Showtime.

As though her millennial take on the subject—given the age-old values nating mga Pinoy—is actually no big deal, nananatili pa rin ang kanyang mga commercial endorsements. Ni-renew pa nga ang kanyang kontrata.

Simple lang din ang stance ni Nadine sa kanyang mga bashers: wapakels.

Totoo naman siya, she can’t please everybody. Nagpakatotoo lang din siya, expressing her thoughts based on her feelings.

Living in this millennial age grants anyone else to speak his mind. Meron tayong freedom in verbalizing our thoughts.

BUT (in capital letters, ha?) with freedom (hindi naman ‘yon absolute) comes responsibility. This is the point that Nadine obviously missed.

Artista siya. A supposed role model sa mga tulad niyang kabataan. An influencer. Kung maganda ang nakikitang isinusuot niya sa TV, ang katulad nu’n ang hahanapin ng kanyang mga female fans at the malls.

Same thing with the values that she sends across girls her age.

Eh, wala palang masama sa pagli-live in, puwes, makikipag-live in na rin sila even if their parents resent it.

Higit pa kasi ang epekto ng sinabing ‘yon ni Nadine para sa mas nakararami. Nadine’s “yes to live-in setup” stand has almost become her advocacy, sa totoo lang. Kahit na nga hindi niya diniretso kung totoong nagsasama na sila ngayon sa isang bubong ng boyfriend niyang si James Reid.

Puwede siyang magpakatotoo sa kanyang sarili without compromising her values. Hindi pagmamalinis ang tawag du’n, lalong hindi kaipokritahan.

If there are many ways to skin a cat, there are also too many ways to express one’s thoughts.

Gasgas man ang pa-tweetums na linyang, “Strict ang parents ko, eh,” at least, it doesn’t sound insulting to the sensibilities ng isang kabataang may pagpapahalaga pa rin sa values regardless of time.

Read more...