Politika na nga (mas madaling sumali)

TATLONG araw pagkatapos ilathala ng Bandera editorial ang “Susunod, politika na,” politika na nga, kaya mas madaling sumali sa ngakngakan.  Konting alam, dagdagan ng damdamin, political statement na, ikaw man ay mangmang, may pinag-aralan, walang pinag-aralan pero maraming karanasan, maraming karanasan pero mali ang pinag-aralan (bahala na kayong mag-isip kung sino yan, baka kilala ninyo) mahirap, mayaman o nagpapanggap na mahirap at mayaman.
Bumanat si ex-Sen. Serge Osmena, na nagbantang kakalas sa partidong Noy-Mar dahil lumipat sina Ralph at Vi, na galing ng Lakas (at hindi basta ex-Lakas members, kundi malalapit ay sanggang-dikit kay GMA, na kaaway ni Noy).
Bumanat di si Gibo at inararo ang mga nangunguna sa survey, sa pagsabing kaya sila naroon ay kababanat kay GMA.
Ang banat ni ex-Sen. Ernesto Maceda sa kanyang column hinggil sa malaking kandidato na autistic (daw) ay nagkaroon tuloy ng mukha at si Noy daw iyon.
Exciting na ang labanan at marami tayong makalilimutang problema.  Sasali ba kayo sa politika para makalimutan muna natin ang ating problema?

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 112009

Read more...