Rizal prosecutor tinumba

Nasawi ang assistant prosecutor ng Rizal nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa bayan ng Taytay, Martes ng hapon, ayon sa pulisya.
Pinagbabaril si Maria Ronatay sa bahagi ng Ortigas Ext. na sakop ng Brgy. San Isidro dakong alas-5, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Sakay si Ronatay ng kanyang Honda CR-V (UQI-133) nang pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa itim na motor, ayon sa ulat.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin.

Read more...