Gov’t exec gusto nang pabuntis kay Sir

MAY lihim na tampo ang isang misis na government official sa kanyang mister na opisyal din ng pamahalaan.

Dahil abala si Sir sa kanyang tungkulin sa bayan ay nakakalimutan na raw nito ang kanyang obligasyon sa kanyang Misis.

Nagkakaedad na nga naman si Madam pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nabubuntis.

Nagtakda raw kasi ng petsa si Madam na dapat ay asikasuhin na nila ni Sir ang “baby making” pagkatapos na halalan.

Pero dahil nabigyan ng bagong tungkulin si Sir ay napabayaan na naman niya ang kanyang assignment kay Madam.

Bagaman nasa late 30’s na si lady official ay masasabing still in great shape ito dahil sa kanyang maingat na diet at regular na pagpunta sa gym.

Gusto niya kasing maging handa sa kanyang pagbubuntis na matagal na nilang pangarap ni Sir.

Pero dahil sa kanyang busy sked ay hindi na nahaharap ng machong official ang kanyang obligasyon sa kanyang reyna.

Hindi na rin daw maitago ang kanyang pagkadismaya lalo’t may ilan na ring mga balita ang lumabas na nagsasabing may pagka-silahis daw si Sir.

Sa mga ganitong pagkakataon ay mga kaibigan ang siyang takbuhan ng Misis na problemado.

Sinabi pa ng ating cricket na ilang beses na ring kumunsulta sa mga doktor ang mag-asawa pero wala naman daw nakikitang problema ang mga ito kaya perfect timing lang ang kanilang dapat na tiyempuhan para magbunga ang kanilang pagmamahalan.

Ang misis na problemado ay si Madam L as in Lambing…..ang kanyang asawa ay si Mr. A….as in Apir.

Read more...