Kim Domingo pinatunayan ang bagsik ng kamandag

KIM DOMINGO

KINABOG ni Kim Domingo si Bela Padilla dahil ang episode na “Pantasya Ng Asya” (The Kim Domingo Story) ay nangibabaw sa rating sa Magpakailanman kumpara sa kalaban nitong drama anthology sa kabilang network.

Patunay lang na marami ang nahuhumaling kay Kim, hindi lang sa kanyang alindog kungdi maging sa pag-arte, huh! At patunay rin na wala siyang inuurungang gawin basta sa ikauunlad ng kanyang career!

Sa ngayon, full blast na ang taping ni Kim para sa GMA series na Super Ma’am kung saan silang dalawa naman ni Marian Rivera ang magbabanggan, huh!

Read more...