Beam ng Skyway bumigay; 5 sugatan

LIMANG obrero ang nasugatan nang bumagsak ang biga ng ginagawang Skyway Project 3 sa Osmeña Highway, Makati City, kaninang umaga.

Nagtamo ng minor injuries sina Norman Nicolas, Ronald Degamo, Jerwin Deocarisa, JR Balaquidan at Guillermo Santos Jr. at isinugod sa ospital.
Naganap ang insidente alas-9:15, ayon kay Senior Supt. Gerry Umayo, hepe ng Makati police.
Inaalam pa, aniya, ang dahilan ng pagguho.
Dahil sa insidente ay isinara ang magkabilang panig ng Osmeña Highway na nagdulot ng matinding perwisyo sa mga motorista.
Napag-alamaman na pinadaan sa Roxas Blvd. ang mga sasakyan na dadaan sa Osmeña Highway, partikular ang mga trak, habang ang mga pa-north bound ay sa Magallanes pinadaan.

Read more...