Mega kailangang lumebel sa kaseksihan ni Bea; si Ian ang bagong ka-loveteam

NAKATISOD kami ng tsika na mas malaki nga ang pagkakataon na si Ian Veneracion ang gawing leading man ni Sharon Cuneta sa kanyang pagbabalik pelikula sa Star Cinema.

Napag-alaman namin sa isang reliable source na big fan nina Gabby Concepcion at Sharon. Nalulungkot siya siyempre sa naging estado ng supposedly comeback tandem ng dating mag-asawa pero time to move on na raw.

“Malakas ang usapan. Ligwak na si papa Gabby at si Ian na raw ang napili. Kaya nga mas masigasig sa pagpapapayat si Shawie para hindi naman siya magmukhang ate ni Ian,” ang nakakalokang tsika ng aming source. Ibig sabihin, kailangang lumebel si Mega sa kaseksihan ni Bea Alonzo na kapartner ni Ian sa seryeng A Love To Last.

Remember, minsan nang sinabi ni Shawie na gusto man niyang pagbigyan ang wish ng maraming Gabby-Sharon fans for their movie reunion, wala raw siyang magagawa dahil wala sa kanya ang problema.

Kaya, hintayin na lang natin kung si Ian Veneracion na nga ang bagong leading man ni Mega sa kanyang bagong pelikula.

Read more...