Maine wala nang keber sa paghuhubad; dedma sa panlalait sa kanyang boobs

NANGGULAT na naman si Maine Mendoza sa Instagram world nang mag-post siya ng kanyang litrato suot ang kanyang pulang two-piece bikini habang nasa dalampasigan!

Ginawa na niyang magpasabog ng alindog nu’ng pumunta siya sa Maldives na dream destination niya.

But this time, sa isang local beach niya inirampa ang kanyang kaseksihan dahil ayon sa caption ng Phenomenal Star sa IG photo niya, “comfort zone” niya ang dagat. Pero keber niya kung dito man ang beach basta ang mahalaga, komportable siya kapag nasa dagat.

May tuwang-tuwang nakakita muli sa kaseksihan ni Maine. Meron namang nanlait sa kawalan niya ng boobs.

Deadma sa lahat ng negative comments si Meng. Ang fans niya ang sumagot sa mga banat sa kanya.

After all, ayaw niyang masira ang mood dahil mahalaga ang July 16 sa kanya na saktong second anniversary ng loveteam nila ni Alden Richards.

Read more...