Tambalang Sanya-Thea epektib ang powers

TINUTUTUKAN na rin ng mga manonood ang naiibang kuwento ng bagong Kapuso afternoon series na Haplos. Siyempre, hati rin ang “paghaplos” ng viewers sa mga karakter sa programa: may Team Angela para kay Sanya Lopez at Team Lucille para sa kampo ng kontrabidang si Thea Tolentino.

In fairness, effective ang pagsasama ng dalawang Kapuso stars dahil affected talaga ang mga manonood sa kanilang mga eksena. At talagang inaabangan din ng viewers ang tagisan ng kanilang mga kapangyarihan.

Kaya patuloy na tutukan ang kuwento ng Haplos sa direksyon ni Gil Tejada sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin dito sina Francine Prieto, Celia Rodriguez, Pancho Magno at Rocco Nacino.

READ NEXT
Cursed Towns
Read more...