Jennylyn pinaiiyak, pinatatawa ang mga Kapuso

HINDI binigo ng GMA 7 ang fans ng hit Koreanovela na My Love From The Star sa Pinoy version nito na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Talagang masasabing napantayan at natapatan nila ang fabulous na pagkagawa ng Korean series na MLFTS na pinag-usapan din sa buong Asia.

Kitang kita naman ito sa mga magagandang feedback mula sa social media sites at sa mga Kapuso viewers na adik na adik sa nakakakilig at nakakatuwang love story nina Steffi (Jen) at Matteo (Gil).

Bukod sa kanilang mga papuri sa mga eksena at sa nakaka-good vibes na chemistry nina Jennylyn at Gil, bilib na bilib sila sa kung paano nila ginagampanan ang kanilang mga karakter.

Si Gil, kahit siya pa ay baguhan, minahal siya ng mga manonood dahil sa kanyang pagbibigay buhay sa Pinoy Matteo. Marami siyang pinapakilig gabi-gabi na makikita mo talaga ang mga comments online.

At siyempre, hindi rin matatawaran ang pagganap ni Jennylyn bilang Steffi at bilang manonood madadala ka talaga sa kalokahan niya but at the same time ramdam mo rin ang mga pinagdadaanan niyang pagsubok sa buhay.

Dahil sa kanyang galing umarte sasabayan mo siyang tumawa at umiyak. Ibang level talaga ang husay at galing ng Ultimate Star sa seryeng ito dahil kahit ibang celebrities ay napapa-wow sa kanyang performance.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na patuloy itong tinututukan at hindi binibitiwan ng viewers gabi-gabi at dahil dito tiyak na masayang-masaya ang mga bossing ng GMA.

In fairness ha, isang patunay na sikat na sikat talaga ang mga Pinoy version nina Steffi at Matteo ay dahil sa desisyon ng netizen na ipangalan sa mga karakter nina Jen at Gil sa MLFTS ang kanyang kambal na malapit na niyang ipanganak. Bongga, di ba?

Read more...