Mas lalo pang tumaas ang approval at trust rating ni Pangulong Duterte sa second quarter survey ng Pulse Asia.
Nakapagtala si Duterte ng 82 porsyentong approval rating at disapproval rating na 5 porsyento. Ang undecided ay 13 porsyento.
Sa survey noong Marso, si Duterte ay mayroong 78 porsyentong approval rating, pitong porsyentong disapproval rating at 15 porsyentong undecided.
Tumaas din ang rating ni Vice President Leni Robredo na nakapagtala ng 61 porsyentong approval, 22 porsyentong undecided at 17 porsyentong disapproval rating. Sa mas naunang survey siya ay may 58 porsyentong approval rating, 25 porsyentong undecided at 16 porsyentong disapproval.
Si Senate President Aquilino Pimentel III ay nakakuha naman ng 62 porsyentong approval rating (mula sa 55), at disapproval rating na 9 porsyento (mula sa 8). Ang undecided ay 28 porsyento.
Si House Speaker Pantaleon Alvarez ay may 43 porsyentong approval rating (mula sa 40), at nanatili sa 14 porsyento ang kanyang disapproval rating. Siya ay may 38 porsyentong undecided.
Si Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno ay nakakuha ng 48 porsyentong approval rating (mula sa 42), at 13 porsyentong disapproval rating (mula sa 11). Siya ay may undecided na 35 porsyento.
Nakakuha naman si Duterte ng 81 porsyentong trust rating (mula sa 76) at nanatili sa 5 porsyento ang kanyang distrust rating. Ang undecided ay bumaba sa 14 porsyento (mula sa 18).
Si Robredo ay nakakuha naman ng 60 porsyentong trust rating (mula sa 56) at 17 porsyentong distrust (mula sa 16).
Si Pimentel ay nakakuha ng 58 porsyentong trust rating (mula sa 51), at nanatili sa 8 porsyento ang distrust rating nito.
Nakakuha naman si Alvarez ng 41 porsyentong trust rating (mula sa 37), at distrust rating na 14 porsyento (mula sa 15).
Si Sereno at nakakuha naman ng 43 porsyentong trust rating (mula sa 40) at distrust na 15 porsyento (mula sa 12).
Tumaas din ang approval rating ng Senado na naitala sa 59 porsyento (mula sa 55) at nanatili ang disapproval rating nito sa 10.
Ang Kamara ay mayroong 55 porsyentong trust rating (mula sa 50), at nanatili sa 11 porsyento ang disapproval rating.
Ang Korte Suprema naman ay may approval rating na 58 porsyento (mula sa 57) at disapproval rating na 12 (mula sa 11).
Ang trust rating naman ng Senado ay 57 porsyento (mula sa 54). Ang Kamara ay 52 (mula sa 49), at ang Korte Suprema ay 56 (mula sa 54).
Ang distrust rating naman ng Senado ay nanatili sa 8 porsyento. Ang Kamara ay walong porsyento (mula sa 9) at ang Korte Suprema ay 10 porsyento (mula sa 9).
Ang survey ay ginawa mula Hunyo 24 hanggang 29. Kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents dito.
MOST READ
LATEST STORIES