Vhong mabubulok sa kulungan pag kinampihan ng korte si Deniece sa 3rd rape case?

 

IT’S been ages since the last time I wrote a column dito sa BANDERA at sobrang miss ko na kayo our dear and loyal readers. For sure, nakalimutan na ako ng iba. Ha! Ha! Ha!

Gayunpaman, it’s never too late. Nag-hibernate lang ako sa writing kasi I became very busy sa ibang mga bagay-bagay to the point na I needed time to recharge. Now, I’m back – as in BACK. Wow!

Anyway, maraming pagbabago sa kapaligiran natin ngayon – grabe ang social media – it ate up many newspaper items in terms of freshness sa mga scoops and all. Pero iba pa rin ang nababasa sa dyaryo – iba pa rin ang original form, di ba? Kaya huwag kayong padadala sa mga kuwentong hindi na kami nababasa dahil malakas ang social media, marami pa rin ang naniniwalang mas masarap basahin ang mga nakalimbag sa diyaryo. Period!

Speaking of myself, nagpalit na kami ng title ng show namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM – hindi na “Mismo”, “Showbuzz” na. One week nang tumatakbo ang programa on weekdays (10:30-11 p.m.) right after Bandila sa DZMM. Mas siksik ang show namin dahil wala namang shoice, di ba? Bitin na bitin nga raw ang listeners and televiewers namin dahil 30 minutes lang kami.

“Hindi na nga ako nagsi-CR pag show niyo na, eh. Kasi nga, baka pagbalik ko tapos na. Super iksi ng 30 minutes kaya,” ani Glen Cabaneros, isang listener/televiewer namin from Quezon.

Ha! Ha! Ha! Nakakatawa naman itong si Glen. Pero tama naman siya. Anyway, during my hibernation, I also kept myself busy sa mga shows ng mga alaga ko – Michael Pangilinan, Kiel Alo and now, Ezekiel Hontiveros na singers lahat. Yung isa kong dating alagang si Hashtag Nikko Natividad ay tsinugi ko na sa aking kuwadra for some valid reasons.

Ayoko nang mag-elaborate dahil nag-apologize na siya. Ang prayers ko lang ay huwag na uling makatagpo ng isang artist like him – NEVER AGAIN. A real pain in the neck. Sometimes looks can be deceiving, agree?

Regarding Michael naman, may agreement na kami that we end our management contract till the end of the year. He has his personal reasons for this and I have to respect it. Kailangang mag-grow ang bawat isa sa atin sa industriyang ito.

For as long as he doesn’t transfer to Cornerstone, walang problema with me. Ha! Ha! Ha! Kasi di ba, may demandahan pa kami ni E-rickson Raymundo ng Cornerstone? Kung lilipat siya roon, ibang usapan na iyon. It won’t look good for him. Basta ako, I will remain in this business for as long as I want – hangga’t may tumatanggap ng manuscript ko, I will continue writing.

For as long as may interesado sa akin to do radio and TV, go lang nang go. Pag may nagpa-manage sa akin na pasado in terms of everything, I will not stop helping. Pag nagloka-lokahan, tsugi agad. Huwag nang patagalin pa – ayoko nang ma-stress.

q q q

Sa awa ng Diyos ay free as a bird pa naman ang kaibigan nating It’s Showtime host na si Vhong Navarro after kumalat ang rumor na huhulihin siya any day last week dahil la-labas na raw ang resolusyon sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo against him.

This is Deniece’s third attempt sa pagsampa ng rape case against Vhong dahil yung dalawang nauna ay parehong dismissed ng court. Pero ayon sa aking very reliable source, hindi raw rumor iyon – totoo raw na talagang lalabas ang desisyon ng korte anytime. So I asked my source kung anong mangyayari rito – kung si Vhong ba ay puwedeng mag-appeal?

“Puwede naman pero makukulong talaga muna siya kasi nga non-bailable ang rape. He can file his appeal habang nakakulong. Hangga’t hindi madi-dismiss ang case niya as he appeals, mananatili siyang nakakulong,” aniya.

Oh no! Hindi ko ma-imagine ang mga susunod na scenario. Sana hindi totoo ang balitang ito. Sana.

q q q

First day of school ng anak kong si Carlo Brian Sucaldito today kaya maaga akong gigising to prepare his breakfast. Maghapon kasi ang pasok ng anak ko – nasa Grade 11 na siya. Kung wala sanang mga K to 12 ek-ek na ito, first year college na sana ang anak ko.

Good luck sa schooling mo anak. Just study hard at ako na ang bahalang makipagtunggali sa mundong ibabaw. Igagapang natin ang pagta-tapos mo. Mahal na mahal kita anak. Mwah!

Read more...