KathNiel sa AlDub: Hindi naman kami nakikipaglaban!

Inabutan namin ang pagpasok nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang number one sa 2017 Most Beautiful Stars ng YES Magazine.

Ikalawang beses na ito para kay Kathryn, at walang dudang with Daniel on her side, mas gumanda pa ang dalaga at mas blooming na talaga ang personality.

Proud namang sinabi ni Daniel na mas pumopogi rin siya kapag si Kathryn ang kasama niya, “Dati kasi para lang akong butiki!” natawang sey pa ng binata.

Perfect timing nga para sa KathNiel loveteam ang pagkakalagay nila sa cover ng YES 100 Most Beautiful Stars ng 2017. Napakainit kasi ngayon ng kanilang fantaseryeng La Luna Sangre at ito ngayon ang naghahari sa primetime.

Pero inamin ng management ng YES as per its sales, ang AlDub cover pa rin ang pinakamabentang edition ng kanilang magazine.

Kaya’t nang tanungin ang KathNiel kung may pressure sa kanila na mahigitan o matapatan man lang ang AlDub, sey ng dalawa, “Hindi naman kami nalagay sa cover to compete. May sarili rin po kaming grupo ng fans and supporters at readers na naniniwala din sa amin. Basta kami, we’re proud na napili kami.”

Read more...