7 lungsod sa PH lalamunin ng dagat – report

PITONG lungsod sa bansa ang lubhang maaapektuhan sa patuloy na pagtaas ng tubig sa mga karagatan bunsod ng climate change.
Sa ulat, sinabi ng Asian Development Bank na pagdating ng taong 2085 ay mas lalong lulubha ang pagbaha sa bansa.
Sa pag-aaral na ginawa ng Potsdam Institute for Climate Impact Research, napag-alaman na lalo pang malulubog sa tubig ang Maynila, Malabon, Taguig, Caloocan, Davao, Butuan, at Iloilo sa paglipas ng mga taon.
Dagdag ng Postdam Institute, sa taong 2085 ay aabot sa mahigit isang metro ang itataas ng tubig sa mga karagatan kaya maraming bansa ang malulubog.
Sa kasalukuyan ay gumagawa na ng mga pag-aaral ang mga siyentipiko upang mabawasan ang epekto ng climate change sa mundo, dagdag ng ADB.

Read more...