DU30 isusumite ang P3.767T 2018 proposed budget sa kanyang SONA

Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na pinakamalaki pa rin ang inilaan sa edukasyon kung saan aabot sa kabuuang P691.1 bilyon, kabilang dito ang P613.05 bilyong alokasyon para Department of Education (DepEd), P13.5 billion naman ang inilaan para Commision on Higher Education (CHED) at P64.6 bilyon naman ang ibibigay na pondo para sa mga State Universities at Colleges (SUCs).
Samantala, aabot naman sa P643.3 bilyon ang budget para sa Department of Public Works and Highways (DPWH); 73.8 bilyon para sa Department of Transportation (DOTr); P 172.3 bilyon naman ang inilaan para sa Department of Interior and Local Government (DILG) na mas mataas ng 15.4  porsiyento kumpara sa 2017; P145 bilyon din ang inilaan para sa Department of National Defense (DND) na mas mataas ng 5.5 porsiyento na mas mataas kumpara sa nakaraang taon.

Read more...