Daniel itatambal daw kay Liza sa ’Darna’, goodbye Enrique na ba?

DANIEL PADILLA AT LIZA SOBERANO

WORRIED ang ilang fans nina Liza Soberano at Enrique Gil sa napipintong paghihiwalay ng kanilang paboritong loveteam. Umuusok na kasi ang balitang hindi si Enrique ang makakapareha ni Liza sa “Darna.”

May pinanggagalingan marahil ang pag-aalala ng LizQuen fans. May kumakalat kasing tsika na baka ang Teen King na si Daniel Padilla ang maging love interest ni Liza sa bagong version ng “Darna.”

A source told us na may nagpu-push daw na itambal si Daniel kay Liza, very close raw kay Daniel ang nag-suggest kuning leading man ni Liza for “Darna”, pero sila pa rin ni Kathryn Bernardo  sa TV.

On a positive level, it may be the start nang pag-level up ni Daniel bilang solo lead star at i-partner sa ibang leading ladies gaya nina John Lloyd Cruz, Gerald Anderson and Piolo Pascual.

At the same time, magkakaroon na rin ng separate projects si Kathryn. That way, maiibsan ang “sawa factor” sa tambalang KathNiel. At hindi lang si Daniel ang magle-level-up ang career kundi pati na rin si Kathryn.

Kering-keri na siguro ni Kathryn ang mag-ala-Claudine Barretto na ginawang senswal ni Direk Olive Lamasan sa movie niya with Aga Muhlach na “Kailangan Kita.”

Read more...