ITINALAGA ni Pangulong Duterte si Court of Appeals (CA) Presiding Justice Andres B. Reyes Jr. bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.
Pinalitan ni Reyes si Associate Justice Bienvenido L. Reyes na nagretiro noong Hulyo 6, 2017 sa edad na 70.
Itinalaga si Reyes sa CA noong 1999 at naging Presiding Justice noong 2010. Naging Metropolitan Trial Court judge din siya sa Makati noong 1987 at sa San, Mateo Rizal noong 1990.
Si Reyes ang ikatlong itinalaga ni Duterte sa Kataastaasang Hukuman.
MOST READ
LATEST STORIES