Jolina, Mark isisingit ang paggawa ng baby sa pagbabakasyon sa Canada

JOLINA , MARK AT ANAK

NAKASABAY namin si Jolina Magdangal sa ABS-CBN lobby last Sunday after our “Chismax” program sa DZMM.

Ibinalita nito sa amin ng partner kong si Gretchen Fullido ang pagpunta nila sa Canada for some series of shows at pagbabakasyon na rin.

Then, we got reports hours after na nasangkot ito, kasama ang asawa sa isang car accident dahil binangga ng isang van ang kanilang sasakyan papuntang airport.

Good thing na hindi naman sila masyadong nasaktan sa aksidente, lalo pa’t kasama pa nila ang kanilang anak na si Pele.

Siguro naman ay tutuloy pa rin abroad ang mag-anak lalo pa’t kilala nating trouper si Jolens na pabakla pa ngang sumagot sa amin ni Grets na “malay natin, maisingit,” bilang tugon sa tanong namin kung kailan nila planong sundan ang nag-iisang anak nila.

Read more...