Usapang sexual preference

GAY-friendly o maka-bakla raw ang mga Pinoy, sabi ng isang survey.
The country ranks No. 17 of 39 countries that accept homosexuality in their societies, according to the global survey.
So, what’s wrong with being gay-friendly?
Huwag lang sanang tanggapin ng ating gobyerno ang mga lantad na bading sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Kung ang bakla ay nakapasok na sa militar o pulisya, dapat ay itago niya ang kanyang kasarian.
Di kasi bagay ang lantarang bakla sa AFP at PNP.
Anong masasabi mo sa isang sundalo o pulis na nagmamartsa na pakembot-kembot? Di ba mahalay?
Bagay lang ang mga bading sa show business.
Maraming sumikat na mga bading sa showbiz. Kasama na rito ang mga reporters sa showbiz.

Parang bigla na lang naging tolerant ang mga Pinoy sa mga bading at tomboy.
Noong araw ay pinagtatawanan ang mga ito.
Noong ako’y between 8 and 10 years old ay nakakita ako ng mga kapwa ko bata na binabato ang isang bakla na pakembot-kembot.
Wala man lang umawat na mga taong nakatatanda. Sa halip ay nagtatawanan pa ang mga ito.
Hindi naman kasi pinatatamaan ‘yung bakla, parang nilalaro lang.
Ang reaksyon naman noong bakla ay tumili nang pagkalakas-lakas na parang kinurot.
Pero ngayon ay tanggap na ang mga bakla at tomboy ng lipunan.
Mabuti naman dahil hindi naman nila kasalanan ang maging bakla o T-bird.

Pinakasalan ng crooner na si Richard Poon ang aktres at model na si Maricar Reyes kamakailan.
Napakasuwerte naman nitong si Richard!
Nakita ko ang video ni Maricar at Hayden Kho ilang taon na rin ang nakaraan.
Di ko makalimutan ang bed scene.
Isa yata ako sa maraming kalalakihan na nainggit kay Hayden.

Huwag kayong maniniwala na nagkaroon ng throat cancer ang Hollywood actor na si Michael Douglas dahil sa oral sex.
Malakas siyang manigarilyo kaya’t siya’y nagka-cancer.
Ano naman ang kinalaman ng oral sex sa throat cancer?

Editor: Para sa komento i-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606

Read more...