6 benepisyo ng pagtakbo

NARINIG na ninyo siguro na ang pag-ehersisyo ay gamot. Hindi lang ito kasabihan kundi isa ring katotohanan.

Marami na kasing ebidensiya mula sa siyensiya ang nagpapatunay na ang regular na ehersisyo (150 minuto kada linggo o 30 minuto- limang beses kada linggo), partikular na ang pagtakbo ay may benepisyo sa kalusugan.

Ito ay higit pa sa inireresetang gamot ng mga doktor.

May mga pag-aaral kasi na nagpapakita na ang pagtakbo ay nakatutulong para makaiwas sa obesity, type 2 diabetes, heart disease, high blood pressure, stroke, kanser at iba pang mga hindi magandang kondisyon.

Karagdagan pa rito ang pagpa-patunay ng mga siyentipiko na ang pagtakbo ay malaki ang naitutulong para mapabuti ang kaledad ng emosyonal at pangkaisipang pamumuhay maliban pa sa nakakapagpahaba ito ng buhay.

Narito ang ilan sa benepisyo ng pagtakbo:

1. Nagpapasaya; stress-buster

Kung palagi kang nagwo-workout, alam mo na mabuti o hindi ang iyong magiging pakiramdam; kaya nga ang ehersisyo ay nagbibigay ng kasiyahan. At higit pa ito sa tinatawag na “runner’s high” o yung pagdagsa ng feel-good hormones o endocannabinoids.

Sa pag-aaral na lumabas sa Medicine and Science in Sports and Exercise, nalaman ng mga ma-nanaliksik na ang isang pagsabak sa ehersisyo tulad ng 30 minutong paglalakad sa treadmill ay agad na nakakapag-angat ng kalooban ng isang tao na dumaranas ng mabigat na depresyon.

Ipinapakita rin ng ilang pag-aaral na ang pag-ehersisyo ay nakakapag-protekta laban sa pagkabalisa at depresyon. Ang katamtamang ehersisyo ay nakatutulong din sa mga tao na kayanin ang pagkabalisa at stress kahit na tapos ka nang mag-workout. Sa isang pag-aaral noong 2012 na lumabas sa Journal of Adolescent Health napatunayan na ang 30 mi-nuto ng pagtakbo kada linggo sa loob ng tatlong linggo ay nakapagpapabuti ng pagtulog, nakakapag-ayos ng kalooban at konsentrasyon sa buong araw.

2. Pampalakas ng katawan

Batid natin na ang ehersisyo ay nakakapagsunog ng calories kapag ikaw ay nagwo-workout.

Ang bonus pa rito, ‘pag ikaw ay nag-ehersisyo ay patuloy pa rin ang pagsunog mo ng calories matapos mong tumigil. May mga pag-aaral kasi na nagpapakita na ang regular na ehersisyo ay nagpapaangat ng “afterburn” o bilang ng calories na nasusunog kapag ikaw ay nag-eehersisyo.

At hindi mo rin kailangang tumakbo ng sobrang bilis para makuha ang benepisyong ito. Nangyayari kasi ito kapag ikaw ay nag-eehersisyo ng matindi o yung aabot sa 70 porsiyento ng VO2 max o oxygen na nakukunsumo.

3. ‘Pampabata’: Nagpapalakas ng tuhod, buto

Matagal nang batid na ang pagtakbo ay nakakapagdagdag ng bone mass at nakakatulong ito para malabanan ang paghina ng buto bunga ng pagtanda. Ang running ay hindi rin nakakasama sa iyong tuhod dahil pinatunayan ng siyensiya na hindi ito totoo.

Katunayan, may mga pag-aaral na nagpapakita na ang pagtakbo ay nakakapagpabuti ng kalusugan ng iyong tuhod ayon kay Boston University researcher David Felson sa isang panayam ng National Public Radio.

“We know from many long-term studies that running doesn’t appear to cause much damage to the knees,” sabi ni Felson. “When we look at people with knee arthritis, we don’t find much of a previous history of running, and when we look at runners and follow them over time, we don’t find that their risk of developing osteoarthritis is any more than expec-ted.”

4. Pampatalas ng isip

Nag-aalala ka ba na mawala ang iyong memorya sa iyong pagtanda?

Ang madalas na pag-workout ay makatutulong para mapanatili mo ito.

Sa isang pag-aaral na lumabas noong 2012 sa Psychonomic Bulletin & Review, inilahad nito na ang regular ehersisyo ay nakakatulong para malabanan ang pagbaba ng memorya sa pagtanda.

May mga pag-aaral din na nabatid na ang mga nag-eehersisyong matatanda ay mas maganda ang iskor sa mga mental test kaysa sa mga kasamahan nilang walang ehersisyo.

Karagdagan pa rito na sa mga stroke patients, ang regular na ehersisyo ay nakakapagpaangat ng memorya, lengguwahe, pag-iisip at problema sa pagpapasya ng halos 50 porsiyento.

Nalaman din ng mga mananaliksik na may malaking pagbabago sa paggamit ng utak matapos ang programa kung saan malaki ang pag-a-ngat sa atensyon, konsentrasyon, pagpaplano at pag-organisa.

5. Nakababawas sa peligro ng kanser

Ang pagtakbo ay hindi nakaka-gamot sa kanser subalit maraming patunay na nakatutulong ito para makaiwas dito.

Maraming lumabas na pag-aaral sa Journal of Nutrition ang nagpapakita na ang regular na ehersisyo ay nakakatulong sa pagbaba ng peligro ng ilang kanser.

Maliban pa rito, kahit na may kanser, ang running ay nakakapagpabuti ng kaledad ng iyong pamumuhay habang dumadaan sa chemotherapy.

6. Pampahaba ng buhay

Kahit na konti lang ang dami ng iyong pisikal na aktibidad — 30 mi-nuto, limang beses kada linggo, magiging mahaba pa rin ang iyong buhay.

May pag-aaral kasi na lumabas sa journal na PLOS Medicine na nagpapakita na kapag ang maraming tipo ng tao ay nag-ehersisyo humahaba ang kanilang buhay.

Ang mga naninigarilyo ay nakakadagdag ng 4.1 taon sa kanilang buhay; ang mga hindi naninigarilyo ay nakadagdag ng tatlong taon.

At kahit na ikaw ay patuloy na naninigarilyo, makakakuha ka rin ng 2.6 taon.

Ang mga cancer survivor ay napapahaba ang kanilang buhay ng 5.3 taon habang ang mga may sakit sa puso ay nakakuha ng 4.3 taon.

Read more...