MayWard, KissMarc loveteam pinagkaguluhan sa 1st Eddys Awards

FIRST time maging presentor para sa kauna-unahan ding The Eddys or Entertainment Editors Awards sina Maymay Entrata at Edward Barbers.

Talagang pinagkaguluhan ang dalawang Kapamilya youngstars pagdating pa lang nila sa KIA Theater kung saan ginanap ang bagong award-giving body ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Agad na dinumog ang magka-loveteam ng mga fans sa venue na kanya-kanya ang pagpapa-selfie kaya hindi na nakalapit ang BANDERA para mahingian sila kahit maikling panayam lamang.

Elegant ang dating ni Maymay sa kanyang gown at all smiles nang dumating sa awards night, lalo na sa mga lumapit sa kanila ni Edward para magpa-picture. Wala kang makikitang reklamo sa dalaga kahit na naiipit na sila ng mga fans.

Very dashing and handsome naman si Edward Barbers sa kanyang suot na suit.

Sa Instagram account naman ni Maymay, nagpasalamat siya sa SPEEd sa pagkakaimbita sa kanila sa event.

In a Twitter post naman ng BANDERA, trending agad ang photo kung saan makikitang pinagkakaguluhan ang dalawa habang papasok pa lang sa KIA Theater. Muli, pinatunayan ng MayWard loveteam ang kanilang magic sa madlang pipol nang makita sila up close and personal sa The Eddys.

 

***

 

Naharang naman for interview ang mga former PBB housemates na sina Kisses Delavin at Marco Gallo na naging presenters din para sa 1st The Eddys.

Terno in blue ang dalawa at kumaway pa sa nagtitiliang fans.

Excited sila sa pag-attend sa nasabing awards night at kahit na parang nasasanay na rin silang pinagkakaguluhan ay hindi pa rin daw sila makapaniwala na nakikilala na sila ngayon ng mga tao.

“Excited pa rin parang nasasanay na pero at the same time parang new feeling kasi parang everyday is a different day pero sobrang exciting to be here we are so honored.” sabi ni Kisses.

Ibinunyag din ng dalaga na kahit nga excited sila ay may kaba pa rin lalo na si Marco dahil ayon sa dalaga malamig daw ang kamay nito.

Ibinalita naman ng dalawang youngstars ng ABS-CBN na bukod sa ginagawa nilang movie kasama ang tambalang MayWard, ay bibida rin sila sa susunod na season ng Wansapanataym kaya sana raw ay suportahan din ito ng kanilang mga fans.

Read more...