McCoy-Elisse fans gumastos ng P.5-M para sa anniv ng McLisse

McCOY DE LEON AT ELISSE JOSON

PASABOG ang first anniversary celebration ng McLisse Worldwide fans for Elisse Joson and McCoy de Leon.

The party held at the Glass Garden in Pasig had the trimmings of a bonggang celebration. Talagang pinaghandaan at pinagkagastusan ng McLisse fans ang unang taon ng magka-love team.

Fabulous ang flaming red gown ni Elisse at ang coat and tie suit ni McCoy na gawa pareho ng designer na si Peter Otordos.

Nagsimulang magtilian ang fans nang bumaba ng hagdan si Elisse at sinalubong siya ni McCoy. The meeting led to a sweet dance at iyon na ang simula ng programa. Before that ay may parlor games where McLisse fans won prizes.

Pasabog ang message ni McCoy at talagang kinilig ang lahat when he asked Elisse’s mom na siya ang tumayong lalaking gagabay at mag-aalaga kay Elisse. Teary-eyed ang dalaga.

The finale was the final bonggang pasabog. Naglabasan ang lahat at naloka kami sa fireworks display. It was indeed the best way to cap the evening.

We heard that the fans shelled out P500,000 for the said event.

To McLisse Worldwide and other fandoms, we salute you. Iba kayo. Itinaas ninyo ang level ng fandom!!!

Read more...