Sanya, Rocco wala nang arte-arte sa maseselang eksena

SANYA LOPEZ AT ROCCO NACINO

NAGSIMULA na kahapon ang bagong afternoon serye ng GMA na Haplos at in fairness, naging mainit naman ang pagtanggap ng Kapuso viewers sa reunion series nina Sanya Lopez at Rocco Nacino.

Talagang tinutukan ng fans ang tambalang SanRo o RocSan sa pilot episode ng Haplos at puro positive feedbacks ang nabasa namin sa social media patungkol sa nasabing
serye.
Asahan na nga ang pag-level up nina Sanya at Rocco sa Haplos dahil mas daring at mas palaban na ang dalawa sa mga maseselang eksena bilang sina Angela at Gerald.

Promise ng dalawa, pilot week pa lang ay marami na agad pasabog at mga nakakakilig na eksenang dapat abangan. Kaya gawin n’yo nang meryenda araw-araw ang Haplos sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Impostora. Kasama rin dito sina Thea Tolentino, Pancho Magno at marami pang iba.

Read more...