Jake Zyrus: Kailan po ako magpapakatotoo pag huli na ang lahat?!

 

CHARICE

NAGPASALAMAT si Jake Zyrus kay Charice kasabay ng pagsasabing hindi siya nagsisisi sa ginawa niyang “pagpatay” sa sikat na international singer.

Ayon kay Jake, si Charice ang nagsimula ng kanyang buhay kaya utang niya rito kung anuman ang meron siya ngayon. Hindi raw totoo na isinusumpa niya ang pagkapanganak ni Charice sa mundo.

“Gusto ko magpasalamat kay Charice sa lahat ng napakagandang experience na ibinigay niya po sa ‘kin. Hindi na anino si Jake, at never ko pagsisisihan lahat ng experience ko kay Charice, dahil she made me who I am today,” ang pahayag ni Jake Zyrus sa panayam ng Rated K last Sunday.

Ayon pa sa binata, tandang-tanda pa niya ang panahon kung saan lagi siyang tinutukso sa mga kaklase o kalaro niyang mga lalaki.

“Nu’ng Grade 1 ako, lagi akong tinutukso sa mga classmate ko no’n na lalaki, tapos kapag gano’n, hindi naman ako kinikilig.

“Then when I turned ten years old, do’n ko na konting nakikita mga gender labels. Kaya, at that time, parang, ‘Tomboy ba? ‘Yon ba ako?'” pagbabalik-tanaw ni Jake sa kanyang kabataan.

Binalikan din niya ang challenges na pinagdaanan niya noong kailangan pa niyang itago ang tunay na pagkatao hanggang sa makakuha na nga siya ng lakas loob na aminin sa buong mundo na isa siyang tibo.

Sey pa ni Jake, “A few weeks ago, binago ko lang yung pangalan ko sa social media sites ko po. At the same time, parang na-feel ko na meron na akong enough strength to face everything. So, parang sabi ko, ‘Ito na, sige!'”

Hirit pa niya, “Kailan ko pa ba bibigyan ng freedom yung sarili ko para ipaalam sa buong mundo kung sino talaga ako? Kung kailan marami nang nasayang na oras, na alam kong ang dami kong puwedeng gawin as myself talaga.”

Nais din daw niyang maging inspirasyon sa LGBTQ+ community, “Na-bother ako at na-inspire ako sa ibang transgender people, na gusto kong ipaglaban din sila. Kahit na anong ibato sa ‘yo ng ibang tao, gusto ko ipakita sa kanila na kung kaya ko, kakayanin din nila.”

Read more...