Baron negative sa droga: Mukha lang ako goon pero malinis ako!

 

IBINANDERA ni Baron Geisler sa buong universe ang resulta ng kanyang latest drug test. Negative ang kontrobersyal na aktor sa paggamit ng shabu.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Baron ang drug test result na isinagawa ng Citymedic Emergency Clinic and Diagnostic Center sa Sta. Rosa Laguna. Nilagyan niya ito ng caption na: “Mukha lang ako goons pero malinis ito.”

Sey ni Baron, nagpa-test siya uli para patunayan na hindi siya bangag nang magkainitan na naman sila ng kanyang “BFF” na si Kiko Matos sa presscon kamakailan ng URCC.

May mga nagsabi na mukhang lasing at bangag daw si Baron nang magkaharap uli sila ni Kiko at maghamunan uli ng bakbakan sa ring. Pero pinatunayan nga ng aktor na malinis pa rin siya sa droga.

Hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho si Baron sa showbiz matapos siyang parusahan ng PAMI (Professional Actors Managers Inc.) dahil sa iskandalong kinasangkutan nila nila ni Ping Medina sa shooting ng “Bubog”.

Read more...