Empoy: Promise, wala akong nilokong babae!

EMPOY MARQUEZ AT ALESSANDRA DE ROSSI

KUNG very millennial ang lovelife ni Cherrie Pie Picache, nakiki-congratulate ang netizen sa tinaguriang Millennial Loveteam nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez dahil binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ang movie nila na “Kita Kita” produced by Spring Films showing on July 19.

We heard a lot of positive feedback sa mga nakapanood na ng “Kita Kita” sa special screening nito sa UP Theater. May chemistry daw sina Alex at Empoy on screen. And in fairness, during the presscon ay kitang-kita ang rapport nila ni Alex.

May nagsabi na pwede nilang i-remake ang comedy film ni Chiquito noon na “Kenkoy En Rosing” either sa pelikula o sa TV, “Marami nga po akong nakakausap sa Twitter, Instagram sinasabi po nila ‘yan.

Natutuwa po ako at nakakataba ng puso,” pahayag ni Empoy.

Ibinuking naman ni Empoy na may manliligaw daw si Alex nu’ng tanungin siya sakaling magkaroon siya ng feelings sa kanyang leading lady.

“Hindi po taga-showbiz. Hindi po siya dumalaw sa set. Nakikita ko lang po kapag nagte-text siya, malungkot siya,” kwento pa niya.

Paaulit-ulit namang sinabi ni Empoy na single siya ngayon. Pero sinabi namin sa kanya na karamihan ng mga komedyante, tsikboy.

“Hindi po, nagkakamali po kayo. Mabait po ako. Wala po akong nilokong girlfriend.”

Read more...