Sulat mula kay Marilou ng Sitio Gaboc, Kanlaon City, Negros Oriental
Problema:
1. May boyfriend ako sa ngayon isang Australiano na nakilala ko sa FB at naka-chat hanggang sa tumagal na ng tumagal ang pagkakaibigan namin at naging boyfriend ko na siya. Pero kahit araw-araw ay nag cha-chat kami may kaba sa dibdib ko na baka niloloko nya lang ako, dahil matagal nya ng sinasabi na dadalaw daw siya sa akin dito sa Pili-pinas, pero hindi naman niya ginagawa, sa halip ay puro pangako lang, pero lagi naman nya akong pinapadalan ng mga pangangailangan ko dahil sabi ko sa kanya ay mahirap lang kami.
2. Paano ko po ba malalaman kung tapat siya sa akin at totohanin kaya niya ang kanyang pangako na magbi-visit daw siya dito sa atin? At kung magbi-visit siya kami na kaya ang magkakatuluyan at dadalhin kaya niya ako sa Australia para doon na kami manirahan? August 23, 1990 ang birthday ko at February 16, 1981 naman ang birtday ng Australiano na boyfriedn ko.
Umaasa,
Marilou ng Negros Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ay nagsasabing sa taong ito ng 2017 sa buwan ng Oktubre susuwertehin ka, dahil bukod sa ka-compatible ng Leo ang zodiac sign na Aquarius ng boyfriend mo, tuluyan na din siyang dadalaw sa inyo.
Numerology:
Ang birth date mong 23 at 16 naman ang boyfriend mong Australiano ay nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo kaya malaki ang pag-asa na kayo na nga ang magkakatuluyan.
Graphology:
Magsuot at gumamit kang lagi ng mapalad mong kulay na yellow, green at white upang lalo mo pang maakit ang suwerte at magandang kapalaran lalo na sa pag-ibig at materytal na bagay.
Huling payo at paalala:
Marilou ayon sa iyong kapalaran at ganon din ang sinasabi ng iyong lagda na lumilipad paitaas ang dulong bahagi, sadyang magiging mapa-lad ka sa 2017 hanggang 2019. Kung saan, tunay ngang pagpasok ng buwan ng Oktubre, bibisitahin ka na dito sa Pilipinas ng boyfriend mong Australiano upang magkita kayo ng personal. Sa panahong iyon, mabilis ang magiging kasu-nod, kusa na ring mabubuo ang isang tunay at wagas na relasyon na sa taong 2019 ay hahantong na nga sa pagpapakasal at ganap mong paninirahan sa Australia, hanggang sa tuluyan na kayong bumuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.
Ang BF na bang foreigner ang makakatuluyan? (2)
READ NEXT
Tulay at mass transport, now na!
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...