Horoscope, July 08, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Gawing oportunidad ang mga problemang dumarating upang lalo mo pang mapaunlad ang iyong pagkatao. Mag-isip ng paraan upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, paparating na ang tag-ulan, kasabay nito ay lalo namang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa pinansiyal, kung magpapaganda kang lagi mas mara-ming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kung maliligo araw-araw matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Om.” Red at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kahit mahilig kumontra ang kasuyo hindi dapat i-itsapuwera ang kanyang opinyon, sapagkat sa pakikinig at pagsunod sa suwestyon ng minahamalito ang maging daan upang lalong umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 3, 12, 18, 33, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Upang mas madaling matupad ang mga pangarap isulat sa typewriting at ipaskel sa dingding ang iyong layunin. Sa ganyang paraan five years from now, matutupad ng kusa ang mga pangarap na isinulat mo sa papel. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Gray at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Ang pagdadalawang isip ang magdadala sa kabiguan. Kikita ng malaking halaga kung ikikilos agad ang unang maiisip. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Green at purple ang buenas.
Leo – (July23 – August 22)—Ito ang pinaka-tamang pagkakataon upang daigin ang iba. Ituloy ang binabalak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya. Sa pag-ibig pagtiyagaan ang kasuyong Aries, kaysa manatiling zero ang love life. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Om”. Orange at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay makapangyarihan at talaga namang nakapagpapaligaya. Oo naman kapag marami ka ng pera ito ang magdudulot ng “happiness at security”, dagdag dito kapag marami kang savings o pera makakadama ka rin ng “inner peace of mind” at hindi ka matatakot sa anumang pagsubok na dumarating. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Black at emerald green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pag-ibig, lagyan ng dagdag na kilig ang bawat araw. Bagong istilo ng romansa ang dapat upang sumigla ang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Sa pinansyal, pigilin ang sarili na mangutang ng mangutang. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi darating ang suwerte kung puro hintay lang ang iyong ginagawa. Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipag-bolahan sa kasuyong nagpapa-hard to get. Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Opera.” Silver at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit luhaan sa pang-emosyonal na aspeto, sa materyal na bagay tuloy ang dating ng magandang kapalaran. Upang makatagpo ng true love isa alang-alang silang isinilang sa buwan ng Mayo na may birth date na 3, 12, o kaya’y 21. Mapalad ang 3, 12, 21, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Violet at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Disiplinahin ang sarili upang lumusog at sumeksi. Iwasan ang katakawan upang hindi maging chubby. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyo ang hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 4, 13, 15, 24, 31, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Lilac at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, hindi totoong masaya at masarap ang marami. Panatiliin ang pagiging tapat sa kasuyong Gemini. Sa pinansyal, imbis na kung saan-saan lang itinatapon ang pera, panatilling buo at maligaya ang pamilya. Mapalad ang 5, 22, 32, 41, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Hare.” Blue at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ingatan ang natitirang salapi, dahil kapag nasimot ang hawak na pera, maghahanap ka na naman ng mauutangan. Hindi dapat gumastos ng gumastos sa mga walang kabuluhang mga bagay. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 7, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Apple green at black ang buenas.

Read more...