Kailan magkaka-baby? (2) | Bandera

Kailan magkaka-baby? (2)

Joseph Greenfield - July 08, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Florence ng Gladiola St., Buhangin, Davao City
Problema:
1. Mag-aapat na taon na kaming nagsasama ng mister ko sa darating na June 13, pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkaka-baby. Gustong-gusto ko na pong magka-baby, dahil ako na lang ang walang baby sa
aming magkakapatid at inip na inip na rin ang mister ko. Sabi ng hipag ko habang hindi pa ako nabubuntis ay mag-ampon muna kami. Kaya sinabi ko ito sa mister ko, pero sabi naman ng mister ko, masarap daw
iyong tunay naming anak ang aming aalagaan.
2. Ano po ba ang nakikita nyo sa aming kapalaran, magkaka-baby pa ba kami at kailan kaya ito mangyayari? March 25, 1987 ang birthday ko at February 13, 1986 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Florence Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing
upang mas madaling magka-anak, magsiping o magtalik kayo, pagsapit ng buwan ng Hulyo hanggang Agosto sa taon ding ito ng 2017, sa ganyang paraan lalakas ang inyong semilya, may baby na mabubuo sa
iyong sinapupunan.
Numerology:
Ang birth date mong 25 ay nagsasabing bukod sa nabanggit na buwan sa itaas, dapat ding itapat ang pagtatalik sa petsang 7, 16, 25, 3, 12, 21, 6, 15 at 30, upang mas madali kayong magka-anak, gayon din naman tuwing nasa first quarter hanggang full moon ang buwan sa langit panayin ang pagtatalik.
Luscher Color Test:
Kailangan ding gumamit ng kulay na pula sa loob ng inyong silid habang nagtatalik upang sumigla ang inyong semilya at lalo pang
sumilakbo ang inyong libido.
Huling payo at paalala:
Florence ayon sa iyong kapalaran, huwag kayong mainip na mag-asawa, sapagkat itinakda na ang magaganap, sa taon ding ito ng 2017 kusang mabubuo ang isang sanggol sa iyong sinapupunan, upang pagsapit ng taong 2018, sa buwan ng Marso o kaya’y Abril pinakamatagal na sa Mayo 2018, isang cute at malusog na babaing sanggol ang isisilang na magiging suwerte sa inyong mag-asawa at mahahahatid ng matamis at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending