Empoy nakabili na ng sariling bahay, may mga negosyo pa

EMPOY MARQUEZ AT ALESSANDRA DE ROSSI

WALA pang  natatanggap na award ang komedyanteng si Empoy Marquez bagama’t hindi naman niya nabanggit na gusto niya, pero since Graded A ang “Kita Kita” sa Cinema Evaluation Board ay posibleng mapansin na siya ng mga award giving bodies next year.

Komedyante ba talaga ang isang Empoy Marquez? “Na-discover po ng mga kaklase ko nu’ng high school na nakakatawa ako kaya, itinuloy-tuloy ko na po,”  sabi ng aktor.

Kabado ba si Empoy sa “Kita Kita” (directed by Sigrid Andrea Bernardo) dahil for the first time ay siya na ang bida rito kasama ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi? “Opo, kasi nag-advance screening na kami sa UP last month, okay naman po ang feedback, tapos sa premiere night, puro celebrity daw ang manonood, so nakakakaba po,” sabi ng aktor.

At mabenta ngayon si Empoy dahil bukod sa “Bloody Crayons” ng Star Cinema na mapapanood na sa Hulyo 12 ay isusunod naman itong “Kita Kita” sa Hulyo 19 at may solo movie pa siyang gagawin under Spring Films pa rin, ang “Tondo Dead”.

“Inaayos po ‘yung concept na panibagong panlasa ng tao, hindi pa po tapos ‘yun,” pahayag ng aktor na kinumpirma ring may isa pa siyang Star Cinema movie.

Ang tarush ni Empoy, nasa kalagitnaan palang ng 2017, ang dami na niyang pelikula. Kaya sabi namin itong taon na ito ang pinakamarami niyang project.

“Sa awa po ni Lord, hindi naman po ako nababasyo (nababakante), every year naman, meron naman talaga simula nu’ng 2003 po na nag-start ako, bale 14 years na ako sa showbiz,” kuwento ng komedyante.

Sa 14 years ni Empoy, may mga investment na ba siya? “Nakapagpundar na po ng bahay at nakapagpatapos na (pag-aaral), may sarili po akong bahay sa Bulaca. Dito po sa Manila, mayroon na rin po ako nabili, ‘yun po ‘yung tinitirhan ko pag nandito ako.”

May negosyo na rin ba siya? “Sa Bulacan, restaurant, opening pa lang ngayong Hulyo, may partners po ako.  Basta may mga inaasikasong iba pa pong business.”

Simpleng tao lang si Empoy, sa katunayan ay sa ukay-ukay daw siya namimili ng mga damit niya, “Yung iba po sa mall, pero mas madalas sa UK (ukay-ukay), kasi walang kamukha (katulad). Opo, pinapakuluan ko ng 10 hours bago ko isuot,” sabi

Read more...