Barbie-Ken loveteam mas umingay dahil sa Meant To Be ending

BARBIE FORTEZA AT KEN CHAN

BANKING on the success of GMA’s Meant To Be ay magkakampihan sina Barbie Forteza at Ken Chan pitting themselves against Tuesday Vargas-Atak at mag-amang Benjie at Andre Paras in yet another fun-filled episode of Celebrity Bluff tonight.

Instantly, may kilig factor na sa audience sina Barbie at Ken, huwag nga lang sila ma-distract ng mga tilian. Known for their rib-tickling antics, sana nama’y humalakhak din ang comedic tandem nina Tuesday at Atak sa kanilang maite-take home na panalo.

At sino naman kaya kina Benjie at Andre ang mas brainy, ang puno o ang bunga? Also a comedian, idaan na lang kaya ni Benjie sa pagpapatawa ang pagsali sa game show na kinakarir ng mga celebrity contestants?

May kilig. May katatawanan. May panlilito. All this and more ang hindi dapat palampasin sa Celebrity Bluff ngayong gabi!

Speaking of Barbie and Ken, until now maingay pa rin ang tandem nila after that controversial Meant To Be ending. Kaya wag na tayong magtaka na sila pa rin ang magkasama sa next series nila sa GMA.

Read more...