PINARANGALAN ng King of Talk na si Boy Abunda ang mga nanalo ng 1st Boy Abunda Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) Awards, o BALA Awards.
Ang 14 na pinarangalan ay kumakatawan sa iba’t ibang bahagi ng sektor ng LGBT at kaalyado nito upang itaguyod ang kapakanan ng naturang komunidad.
Sa naging pahayag ni Dr. Abunda, nagbunsod ang kanyang interes sa BALA awards noong siya ay ginawaran ng pagkilala bilang isang LGBT advocate, “On April 12, 2014, I was recognized as one of the awardees of the GLAAD Media Awards for my ‘fair, accurate and inclusive representation of the LGBT community against the backdrop and the issues that affect their lives.
“In 2011, I received the Eric Butler Philanthropy Award for my ‘strong leadership in celebrating diversity and HIV/AIDS awareness.’ These two awards made me understand the great responsibility I have in advancing LGBT life and rights in the best way I can in the public space that I work and live in.
“I also realize that if this country has the 10 Most Outstanding women, men, people, I figured, why can’t we honor outstanding LGBT people in the mainstream arena even if I had to do this in my personal capacity,” bahagi pa ng speeech ng award-winning TV host-talent manager.
Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod: Atty. Venir Cuyco, founder ng UP Babaylan, ang kauna-unahang LGBT student organization sa naturang unibersidad; Dr. Neil Garcia na kabahagi sa pag-edit at paglimbag ng “Ladlad: An Anthology of Philippine Gay Writing”; Christian Bryle Leano, estudyante na nanguna sa kanyang adbokasiya para sa mga LGBT na kanyang isinusulong sa mga millennials sa kanyang paaralan; Kristine Madrigal, founder ng Transpinay of Antipolo Organization na tumutulong sa pag-angat ng dignidad ng bawat transgender at mapaglingkuran ang marginalized groups.
Ginawaran din ng parangal ang founder at chairman ng Ladlad Partylist na si Prof. Danton Remoto para sa kanyang dedikasyon at pakikipaglaban para sa isang bukas isip at bukas pusong lipunan. Ayon pa sa CNN, ang partidong Ladlad ay tinaguriang “the only gay political party in the world”; Aida Santos, isang development worker at makata na nakikipaglaban upang pag-ibayuhin ang kamalayan ng mga kababaihan; John Silva, manunulat at blogger. Isinusulong niya ang kamalayan ng mga isyu ng LGBT at same-sex partnership sa bansa.
Samantala, si Jose Mari Viceral, o Vice Ganda ay tumanggap din ng pagkilala. Siya ang nagpalawig ng LGBT visibility gamit ang kanyang kasikatan sa telebisyon, entablado at pelikula; Monique Wilson dahil sa kanyang pagtatanggol ng mga miyembro ng LGBT sa gitna ng kanyang status bilang isang world-renowned artist.
Sa loob ng halos dalawang dekada, sinang-ayunan ang pagkapili ng The Progressive Organization of Gays in the Philippines (ProGay Philippines) bilang BALA awardee. Ang ProGay ay ang kauna-unahang organisasyon ng LGBT sa bansa; ang Team Mag na natatanging LGBT lifestyle magazine sa ating bansa at ang Outrage Magazine bilang mapagkakatiwalaang online source ng LGBT journalism.
Ginawaran rin ng BALA award ang Nike dahil sa kanilang matapang na paninindigan laban kay Manny Pacquiao pagkatapos itong nagpahayag ng masasakit na pananalita laban sa LGBT community; PETA o The Philippine Educational Theatre Association dahil sa paglalahad ng mga kuwento na tumatalakay ng mga buhay ng mga LGBT sa kanilang mga palabas katulad ng Hanggang Dito na Lamang at Maraming Salamat Po at Care Divas.
Kaagapay naman sa pagkuha ng mga listahan para sa mga nominees si Bemz Benedito, Managing Director of Make Your Nanay Proud Foundation.
Ang mga BALA awardees ay nakatanggap ng isang tropeo na dinesenyo ni Badon na may temang bahaghari at Certificate of Citation.