Marian ala-Moana sa bagong serye, gaganap na superhero

EXCITED na ang mga tagasuporta ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa bagong teleserye nitong The Good Teacher.

Mas lalong naatat ang mga DongYan fans nang makita nila ang ilang litrato ni Marian sa social media na kuha sa taping ng nasabing teleserye, kung saan nakasuot nga ito ng uniform ng isang guro.

Isang litrato ang ipinost ng business manager ni Marian na si Rams David sa kanyang Instagram account, dito makikita na nakasuot ng wig (kulot-kulot) ang misis ni Dingdong Dantes bilang bahagi ng kanyang karakter sa serye.

Kasama rin sa photo ang co-star ni Marian sa The Good Teacher na si Jerald Napoles.

Nilagyan ito ni Rams ng caption na: “Salamat Panginoon sa binigay mong pagkakataon na magkasama ang dalawang super kulit kong mga alaga. Abangan po sila sa isang masayang adventure na sasamahan natin gabi-gabi sa GMA Primetime #Abangan #moanahair.”

Ayon sa ilang followers ni Marian, ginamit ng kanyang manager ang hashtag na #moanahair dahil nga sa curly hair niya sa serye na parang inspired sa Disney cartoon character na si Moana.

May nakita rin kami sa Instagram na ilang litrato ni Marian kasama ang iba pa niyang co-stars sa bagong primetime series ng GMA, tulad nina Shyr Valdez at Meg Imperial na nakasuot din ng uniform ng teacher.

“Hello Ateng @ramsdavid86!!! In photo is our Director, L.A. Madridejos while @marianrivera is goofing around pero ang ganda pa din nang emote. Watch out for #TheGoodTeacher soon on GMA Prime! #ILoveMyJob #ThankYouGod!” ang caption ni Meg sa ipinost niyang picture sa IG.

Balitang gaganap muli na isang superhero si Marian sa The Good Teacher ngunit hindi pa sigurado kung ano ang taglay niyang powers o kung lilipad uli siya tulad ng ginawa niya noon sa Darna.

Read more...