Empoy: Wala po akong anak…pero may kalaro ako!

By Reggee Bonoan July 07,2017
share this

Empoy: Wala po akong anak…pero may kalaro ako!

By Reggee Bonoan July 07,2017
share this

NAKAUSAP namin si Empoy Marquez sa nakaraang presscon ng “Kita Kita” at kinulit talaga namin siya na magpaliwanag tungkol sa sinabi niyang tuwing weekend ay meron siyang “kalaro”.

Hindi kasi kinlaro ng komedyante sa presscon proper kung karelasyon niya ang sinasabi niyang kalaro dahil nga hindi niya sineseryoso ang mga tanong sa kanya ng press kaya nakiusap kaming sagutin niya kami nang maayos.

“Wala po akong girlfriend ngayon,” kaswal na sagot ng aktor.

Sino ‘yung binabanggit mong kalaro? “Wala, wala po ‘yun, ano lang, kaibigan non-showbiz. Ano po kasi meron something na nangyari rati at nasa Singapore na siya ngayon at nakapag-asawa na. Kaya medyo muna ako (magkaroon ng dyowa),” seryosong sagot ni Empoy.

Diretsong sumunod na tanong namin kung may anak na siya, “Ay, wala pa po, pinag-aaral ko pa po mga pamangkin ko.”

Matagal na palang wala sa Star Magic si Empoy, “Nag-Star Magic po ako simula 2003 hanggang 2007. Tapos nu’ng 2008, nasa TV5 na ako, tapos napunta rin ako kay kuya Ogie (Alcasid) sa A-TEAM, one year po ako sa kanya.

“Habang wala po akong manager dati, ang nakikipag-negotiate po ‘yung sister ko na nasa Roxas City,” kuwento ni Empoy. Ngayon ay nasa bakuran na siya ng Cornerstone.

Curious din kami sa buhok ni Empoy kaya tinanong namin kung matagal nang ganu’n ang hairstyle niya o sinasadya lang niya para maiba lang siya.

“Hindi ko po ito pinagugupit, susunod na project, magpapagupit na ako, tatanggalin lang ‘yung mga lawit-lawit,” aniya.

Tinanong namin kung nagkaroon na ng seryosong pelikula si Empoy dahil puro comedy nga ang alam naming ginagawa niya.

“Siguro po, mga indie films dati, kay direk Ato Bautista, Sa aking Pagkakagising sa Kamulatan (2005) at Carnivore (2008), mga indie po lahat. Ang kasama ko po doon sina Ketchup Eusebio, Carlo Aquino, Cholo Barretto, Archie Alemania, mga kaibigan ko po ‘yun,” kuwento pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending