Pakilig ng Jennylyn-Gil loveteam tagos na tagos

KASABAY ng pagsubaybay ng sandamakmak na tagasuporta ng tambalang JennyGil (Jennylyn Mercado at Gil Cuerva) sa primetime series na My Love From The Star ay ang pagbaha rin ng mga magaganda at inspiring na mga comments mula sa mga netizens.

Instant good vibes kasi ang mga reactions ng mga ito kaya naman masarap basahin. Ang latest na pinagpiyestahan ng mga die hard MLFTS fans ay nang lagnatin si Matteo (Gil) matapos silang mag-kiss ni Steffi (Jennylyn).

Dahil sa intense ng emosyon ni Matteo ay nagkasakit siya — or should we say ni-love-nat siya, at kinailangan siyang alagaan ni Steffi. Ang payo sa dalaga, kailangan niyang punasan ang buong katawan ni Matteo kaya siyempre may topless scene na naman si Gil na talaga namang tinutukan ng kanyang mga beki supporters.

Narito ang ilan sa mga comments ng mga JennyGil fans matapos ang nasabing trending na eksena.
Sabi ng Twitter user na si @Wayne Jr, “Grabe! mamamatay na yata ako sa kilig!”

Sey naman ni @sweet sugar, “Grabe oxygen penge ako muntik na kong di makahinga! Super kilig to!”

Komento pa ng isang netizen, “Ibang klase talagang magpakilig sina Jen at Gil, tagos na tagos! Pak na pak! Sana mas marami pang pa-good vibes at pa-in love na eksena sina Steffi at Matteo!”

Palala na nang palala ang My Love From The Star fever kaya naman hindi na ito mabitawan ng mga viewers! Kaya huwag na huwag nang bibitiw sa Pambansang pampa-good vibes ng bayan, ang My Love From The Star sa GMA Telebabad.

Kasama pa rin dito sina Christian Bautista, Jackie Rice, Gabby Eigenmann, Renz Fernandez, Glydel Mercado at marami pang iba.

Read more...