NATAGPUAN ang bangkay ni Rolando Pacinos, alyas Inggo, isa sa mga suspek sa masaker ng limang miyembro ng pa-milya—dalawa sa kanila, mag-ina, ay ginahasa—sa Bulacan noong Martes.
Isinangkot si Pacinos ni Carmelino Ibanez, na umamin sa pagpatay ng tatlong bata, kanilang ina at lola matapos diumano silang malasing sa alak at shabu.
Nasa kustodiya si Ibanez ng pulisya.
Ang katawan ni Pacino, na nakita sa Palmera Drive sa City of San Jose del Monte, ay may placard na ang nakasulat ay, “Adik at rapist ako, huwag tularan.”
Ang mabilis at karampatang paggawad ng hustisya ay magbibigay ng mensahe sa mga katulad ni Pacinos na huwag siyang tularan.
Alam nila na kapag sila’y nahuli, ang nangyari kay Pacinos ay sasapitin din nila.
Ang karumal-dumal na sinapit ni Pacinos ay nangyayari sa mga rapists, murderers at drug pushers sa Davao City noong panahon ni Mayor Rodrigo Duterte na ngayon ay
Pangulong Digong na.
Isang lalaki na nanggahasa ng isang college student sa lungsod ilang taon ang nakararaan ay hindi pa nakontento at ipinasok pa ang isang barbecue stick sa ari ng pobreng babae ma-tapos niyang patayin ito.
Ang lalaki ay natagpuang patay sa isang sidestreet sa lungsod na may placard na nakasabit sa kanyang katawan.
“Ako’y isang rapist, huwag n’yo akong tularan,” ang nakasaad sa placard.
Ilang barbecue sticks na pinagkumpul-kumpol at itinali ang ibinaon sa kanyang dibdib.
Mga leaflet na may litrato ng lalaki na nakadilat ang mata sa sindak habang ibinabaon ang mga barbecue sticks sa kanyang katawan ay ikinalat sa buong siyudad.
“Ito ang mangyayari sa mga rapists at mamamatay-tao,” sabi ng leaflet.
Walang nakakaalam kung sino ang may gawa ng karumal-dumal na sinapit ng salarin, at wala namang pakialam ang taumbayan; bagkus ay marami pa sa kanila ang natuwa.
***
Ang mabilis at karampatang paggawad ng hustisya ang kailangan ng bansa kung gusto nating maging ligtas ang ating lipunan sa mga masasamang-loob.
Sa ngayon, mabagal ang paggalaw ng ating hustisya dahil ang mga mahistrado ay makupad kumilos.
Tingnan na lang natin ang pag-usad ng kaso na isinampa laban kay Chief Insp. Angelo G. Germinal ng Makati Police.
Pinatay diumano ni Germinal ang isang 13-anyos na batang basurero na si Christian Serrano sa isang abandonadong gusali sa Makati noong taong 2012.
Walang dahilan na patayin ni Germinal si Serrano dahil ito’y namumulot lang ng mga pira-pirasong bakal at kahoy sa abandoned building.
Na-dismiss si Germinal sa serbisyo (at iyon ay dahil ang aking programang Isumbong mo kay Tulfo ang nagpursige) pero ang kasong murder na isinampa sa kanya ay mabagal ang pag-usad.
Pinagpapasa-pasahan na parang bola ang kaso ni Germinal ng mga magagaling na judges sa Makati—Cristina Javalera-Sulit, Liza Marie Picardal-Tecson, Rico Sebastian Liwanag, Cesar Aganon at balik naman kay Liwanag.
Ang huling judge na humahawak ng kaso ay palaging pino-postpone ang bista dahil kung hindi absent ang abogado ni Germinal ay ang piskal na humahawak ng kaso naman ang wala.
At the rate Liwanag is hearing the case, baka 20 taon pa bago niya ito matapos.
Samantala, si Germinal ay nakakalaya dahil
binigyan siya ni Judge Sulit ng bail kahit na ang kasong murder ay walang bail at malakas ang ebidensiya laban sa akusado.
Si Judge Sulit lang ang nakakaalam kung bakit niya binigyan ng bail si Germinal.
***
Bumalik na raw ang droga sa New Bilibid Prisons, ani Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Sinabi ni Aguirre na natukso ang mga bantay na mga miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Bilibid.
Kung gayon, isa na lang ang remedyo diyan: Isalvage ang mga nagpapakalat ng droga sa loob, at isama ang mga bantay-salakay na mga guwardiya.
Bakit pa bubuhayin ang mga hinayupak na mga convicted drug lords na nagpapakalat ng droga sa loob at namumuhay na parang mga hari?