Derrick nagpasilip ng katawan, mga beki naglaway

DERRICK MONASTERIO

NAGLAWAY-LAWAY ang manonood sa transformation ni Derrick Monasterio sa Mulawin vs. Ravena bilang taong ibon.

Buff na buff kasi ang kanyang katawan na nilagyan pa ng oil habang nakabuka ang kanyang mga pakpak!

Mula sa pagiging simpleng tao bilang Rodrigo, nabuhay ang character ni Derrick bilang si Almiro, huh!
In fairness naman sa acting niya, nakasabay siya sa galing ng veteran actress na si Nova Villa sa eksenang ‘yon.

So, hindi na solo ni Dennis Trillo ang pagiging “papa bird” (read: papable na taong ibon) once lumipad na nang todo si Derrick bilang Mulawin dahil ibebenta rin tiyak ang tadtad niyang pandesal sa katawan para matuwa naman ang fans!

Read more...