Jose Manalo suspendido sa Eat Bulaga, lagi raw kasing late sa Sugod Bahay?

Maraming nagtatanong-nang-uusisa sa amin kung sinuspinde raw ba sa Eat Bulaga ang magaling na komedyante-TV host na si Jose Manalo. Alin daw ba ang kapani-paniwalang kuwento, ang nagbakasyon lang siya, o ang binigyan siya ng leksiyon ng TAPE, Incorporated?

Ilang araw na kasing hindi napapanood si Jose sa noontime show, ang agad na kumalat ay sinuspinde raw siya, inirereklamo raw kasi ng kanyang mga kasamahan ang madalas niyang pagiging late sa segment nila nina Paolo Ballesteros at Wally Bayola.

Madalas din daw na mainit ang ulo ni Jose, wala raw halos makalapit sa kanya kapag ganu’n ang kanyang mood, kaya binigyan siya ng leksiyon ng produksiyon.

Nasa Amerika ngayon si Jose Manalo at nagbabakasyon. Kailangan niya namang magpahinga kahit paminsan-minsan lang dahil sa buong linggo ay pagal na pagal na ang kanyang katawan sa tatlong programang ginagawa niya.

Huwag naman sanang ipagdamot kay Jose Manalo ang pahinga. Hindi niya naman kayang magtrabaho na lang habambuhay. Makina man ay pinagpapahinga rin para mas matagal na mapakinabangan.

Gusto naming marinig mula mismo kay Jose Manalo kung ano ang tunay na kuwento ng pansamantala niyang pagkawala sa noontime show.

Read more...