Dating pulis nagsilbing escort nina  Atong Ang, Gretchen Barreto habang papasok ng NAIA — BI

NAIA

SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na nagsilbing escort ang isang dating pulis kina Charlie “Atong” Ang, aktres na si Gretchen Barreto at iba pang kasama sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) matapos dumating mula sa Bangkok, Thailand kahapon.

Sa isang memorandum kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi  ni Marc Red Mariñas, acting chief ng Port Operations Division (POD) na isang retired SPO4 Ciriaco Peralta ang nagpakilala sa mga empleyado ng BI sa ilalim ng  Border Control and Intelligence Unit (BCIU) na escort siya ni Ang, na kasama ni Barreto.
Idinagdag ng BI na nakasuot umano si Peralta ng isang pass mula sa pass control office ng NAIA nang salubungin niya sina Ang, Barreto at iba pang kasama at sinamahan sa  immigration counter ng NAIA 1 terminal.
Inilarawan ng ulat si Peralta bilang “a media practitioner” at“reportedly an employee of the Rustan’s retail stores.”
Kilang negosyante si Ang na kung saan nagsasagawa siya ng operasyon ng online jai alai  sa pamamagitan ng Meridien Vista Gaming Corp.
Ipinag-utos na ng BI ang imbestigasyon kaugnay ng pagbibigay ng VIP treatment kina
Ang, Barreto at mga kasama.
Iginiit ni Mariñas na walang immigration officer o BI o empleyado ng POD ang nagsilbing escort nina Ang at Barreto.
Sinabi ni Morente na hihilingin niya kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na imbestigahan ang insidente.

Read more...