Ricky Lee pinanindigan ang prinsipyo sa pagpili ng Magic 8 sa MMFF

NAKATANGGAP kami ng mensahe mula sa aming mahal na si Kuya Ricky Lee, isa sa tatlong miyembro ng MMFF 2017 executive committee na nag-resign matapos i-announce ang unang apat na official entry na pasok sa Magic 8.

Magkakaiba man ng rason ang tatlong nag-resign, iisa ang sapantaha ng mga taga-industriya at patrons ng MMFF , “prinsipyo” ang naging ugat nito.

Gaya nga ng naisiwalat na ni Kuya Ricky sa kanyang social media account, inulit niyang hindi siya namemersonal at wala siyang karapatan na husgahan ang mga entries na aprubado sa execom.

Sa mga hindi pa nakakaalam, pasok na nga sa Magic 8 ang pelikula ni Coco Martin (Ang Panday), Vice Ganda (The Revengers with Daniel Padilla and Pia Wurtzbach), Jericho Rosales at Jennylyn Mercado (Almost Is Not Enough) at Vic Sotto (Love Traps #Family Goals, kasama si Dawn Zulueta). Ngunit ang chika, kotra raw ang tatlong nag-resign na execom members sa apat na pelikula.

Kilala naming matapang at marespeto si Kuya Ricky na isang living legacy ng taunang MMFF, kung saan naipalabas ang ilan sa mga classic movies na siya ang nagsulat.

“Gusto lang naman natin na mas maging maayos ang pagpapatupad ng mga reforms,” bahagi ng reaksyon ng magaling na scriptwriter.

But then again, para sa isang napakakomersyal na industriya at pestibal, mahirap talagang pagtagpuin ang merito ng sining at ang usapin tungkol sa pera.

Read more...