NAGBIGAY si Pangulong Duterte ng pabahay, kabuuang P265,000 tulong pinansiyal at cell phone sa padre de pamilya matapos namang imasaker ang limang miyembro ng kanyang pamilya sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Dumalaw kahapon si Duterte sa burol ng pamilya ni Dexter Carlos Jr. kung saan nangako siya ng hustisya para sa mga biktima ng masaker.
“It should be as soon as possible. Alam mo miski saan ka magtago I will catch up with you,” sabi ni Duterte.
Kabilang sa minasaker ay ang biyenang babae ni Carlos na si Auring, ang misis na si Estrella at mga anak na may edad na 1, 5 at 11.
“It would really be in bad taste to be talking about what were given to the family pero since it involves public funds, I offered a housing unit for them I gave something like P255,000 and P20,000 and even cellphone. I told them if its there anything you would need and you think I can help, call me,” sabi ni Duterte.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na natagpuang patay ang isa sa mga suspek na nasa likod ng masaker.
“I undertstand one was found dead today. As I have told you this is a loose organization of criminal syndicates and droga. And I will repeat my warning, I told everybody since the beginning if you destroy my country I will kill you, If you destroy the young of this country, it happened here, its more… patay yung mga bata, papatayin ko kayo,” ayon pa kay Duterte.
Nagbigay din ng babala si Duterte sa mga sangkot sa masaker.
“Basta pagdating ng panahon magkita tayo patay ka. Bahala na human rights na yan sila na umintindi diyan. Sila siguro gusto may hawak ng anti drug… I’m willing to let go altogether my particualr duty in reference to drugs. I can give it to them. Takot sila sa HR e di kayo mag-involve,” sabi pa ni Duterte.
Tahasang sinabi ni Duterte na wala siyang pakialam sa isyu ng human rights.
“Wala ako pakialam sa kanila basta ako may trabaho ako and my job is to see to it I will repeat to preserve and defend the filipino nation. That’s about it,” giit ni Duterte.
MOST READ
LATEST STORIES