MAGANDANg araw po sa Aksyon Line. Palagi po akong nagbabasa ng inyong pahayagan at batid ko na maraming natutulungan ang Aksyon Line. Kamakailan lamang ay nagtayo po ako ng maliit na travel and tours conpany.
Pero dahil bago pa lamang po ay dalawa lang muna ang staff namin. Gusto ko po sanang itanong sa SSS at Philhealth kung kailangan ko pa bang iparegister ang company gayung dalawa lamang ang staff ko? Ano po ba ang requirements? Salamat po.
Ronaldo Sarmiento
Morning
Breeze Subdivision,
Caloocan City
REPLY:
Pagbati mula sa PhilHealth!
A. Para sa mga Employer:
Ang mga employer na nagbabalak na magtayo ng negosyo o kompanya ay maaaring magparehistro sa Philippine Bussiness Registry (PBR) upang agad na ma-i-rehistro ang negosyo sa Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya, kasama ang PhilHealth kung saan siya ay bibigyan ng PhilHealth Employer Number (PEN).
Maaari ring magparehistro sa pinakamalapit na Local health Insurance Office (LHIO) ng PhilHealth upang mabigyan ng PEN. Isumite lamang ang mga sumusunod:
Para sa Government at Private Employers:
· Dalawang kopya ng Employer Data Record Form (ER1)
· Dalawang kopya ng Employee Member Form (ER2)
Ang mga pribadong kompanya ay kailangan ding magsumite ng alinman sa mga sumusunod na dokumento:
Single proprietorships-Department of Trade & industry (DTI) Registration
Partnerships, corporations, foundations at iba pang non-profit organizations-Securities and Exchange Commission (SEC) registration
Cooperatives-Cooperative Development Authority (CDA) registration
Backyard industries /ventures at micro-business enterprises-Baranggay certification o Mayor’s permit
B. Para sa mga empleyado:
Ang mga empleyado na may PhilHealth Identification Number (PIN) ay hindi na kailangan magparehistro. Ibigay lamang ang PIN sa employer.
Mga paraan para makapagparehistro:
1. Punan ng tama at kumpleto ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF) na maaarinh hingin sa alinmang Local Health Insurance Office (LHIO) ng PhilHealth o i-download mula sa www.philhealth.gov.ph, at ibigay ito sa employer para isumite sa PhilHealth.
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong (02) 441-7442.
Maaari rin po nin-yong bisitahin ang aming website sawww.philhealth.gov.ph.
Maraming salamat po!
Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter:
@teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.